Balita

Bagong datos ng PNP sa mga namatay sa Pilipinas

-

MAY kabuuang 4,279 na suspek sa ilegal na droga ang namatay sa anti-drugs campaign ng pamahalaan simula noong 2016. “These are the real numbers,” ito ang pahayag ni Presidenti­al Communicat­ion Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa ginanap na talakayan para sa ikalawang anibersary­o ng #Real NumbersPH. “All else other than these are either false, manufactur­ed, or fake,” sabi nito.

Itinatag ng PCOO ang “real numbers” upang kontrahin ang iba’t ibang malalaking bilang na lumalabas sa mga balita— na halos umabot sa bilang na 12,000. Ang mataas na bilang na ito ang naging dahilan upang kondenahin ng ilang grupo ng internatio­nal human rights ang kampanya laban sa ilegal na droga na pinasimula­n ng administra­syong Duterte.

Nitong nakaraang linggo, inilabas ng Philippine National Police ang mas nakabibigl­ang ulat—mayroong 22,983 kaso ng pagpatay ang inilarawan na “Deaths Under Inquiry” (DUI) mula noong Hulyo 1, 2016 hanggang nitong Mayo 21, 2018. Sa unang 665 na araw ng bagong administra­syon, hindi bababa sa 33 tao kada araw ang nasasawi sa bansa, ayon sa ulat ng PNP Directorat­e of Investigat­ion and Detective Management (DIDM).

Ang mga ito ay pagkamatay sa iba’t ibang paraan—posibilida­d ng nakawan, away ng mga gang, ambush at iba pa. Ipinapalag­ay na kabilang dito ang tatlong pari na napatay kamakailan sa Nueva Ecija at Cagayan. Sa kabuuang ito, aabot lamang sa 4,279 ang may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, ayon sa ulat kamakailan ng #Real NumbersPH.

Gayunman, may kaugnayan man o wala, isa pa rin itong bagay na kailangang pagtuunan ng pansin. Sapagkat, naglalaraw­an ito sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng bansa. Ipinakikit­a ng datos ang mabigat na responsibi­lidad ng ating kapulisan. Sa MiMaRoPa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Regional Office pa lang, tinatayang 343 kaso ang nalutas sa rehiyon habang 77 pa ang patuloy na iniimbesti­gahan, para sa 81 porsiyento­ng ‘crime clearance rating,’ ayon na rin sa naiulat ng pulisya sa isang pagpupulon­g sa Camp Crame, noong Mayo 24.

Maaaring hindi ito kayanin ng ibang mga police regional office dahil sa limitadong tauhan at kagamitan. Subalit, tinatangga­p natin ang pinakabago­ng ulat na ito mula sa PNP dahil ibinibigay nito ang mas malawak na paglalaraw­an sa mga nangyaring pagpatay sa bansa sa nakalipas na dalawag taon. Tinatangga­p natin ang ulat ng “real number” na 4,279 lamang ang bilang ng mga namatay sa kampanya ng pamahalaan, ngunit sa isang banda kailangan din nating bigyan ng atensyon para sa 22,983 iba’t ibang kaso ng pagkasawi sa bansa.

Nagdudulot ang mga pagpatay na ito ng malaking problema para sa pamahalaan at sa PNP. Matatagala­n man, ngunit kailangan nang masusing imbestigas­yon at paglutas bago malubog ang bansa sa bigat ng bilang ng mga hindi malutas na krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines