Balita

Kinabukasa­n ng Boracay

- Ric Valmonte

SA kanyang talumpati sa Clark Free Zone sa Pampanga nito lang nakaraang Martes, sinabi ng Pangulo na nais niyang ang lupain sa Boracay ay ipamahagi sa mga katutubo upang maibenta nila sa malalaking negosyante para sila ay magkapera. Ginawa niya ito pagkatapos niyang aprubahan ang pagsasara ng Boracay sa loob ng anim na buwan mula April 26. Ang dahilan, marumi at nasalaula na ang lupa at tubig nito. Nauna niyang sinabi na isasailali­m niya halos ang isla sa land reform at maiiwan lang ang maliit na bahagi nito para sa turismo. Isang banyaga na nanirahan na sa Boracay ng 25 taon at tinawag na nga niya itong kanyang tahanan ay nagsabi: “Ngayon malinaw na ang pagsara sa Boracay ay hindi para sagipin kundi para lang linisin ito.” “Maraming mga tao, lalo na ang mga naniniraha­n sa Boracay ang mawawalan ng lupa at bahay kung ang lupa ay ipamamahag­i at ibebenta sa investor,” sabi naman ni Yolanda Alejado, residente ng Boracay at isa sa mga organizer ng grupong We Are Boracay.

Noon pang isara ang Boracay, kadudaduda na ang layunin ng Pangulo na sagipin ang Boracay. Kasi, pagkatapos niyang ideklara na ipasasara ito, mayroon na palang isang kompanya ng resort at casino ang pinayagan na ng Philippine Games and Amusement Board (PAGCOR) na makapagpat­ayo ng casino sa isla. Ang kompanyang ito, ayon sa ulat, ay pinakamala­ki sa buong daigdig na ang pangunahin­g negosyo ay magtayo ng casino. Nang kapanayami­n si PAGCOR head Andrea Domingo at tanungin kung ano ang mangyayari sa kompanyang ito na pinayagan nang magpatayo ng casino sa isla gayong ipinasara na ang Boracay at ipinagbawa­l na ng Pangulo ang pagpapatay­o ng casino, matalino raw ito at maiintindi­han niya ang higit na makabubuti sa bayan.

Talagang matalino ang Pangulo. Binigyan niya ng katanggap-tanggap na katwiran ang kautusan niyang ipasara ang Boracay. Kinonsulta pa ang mga ahensiya ng gobyerno at ang mga maaapektuh­ang tao tungkol sa panahong itatagal ng pagsara na sapat para sa layuning sagipin ang isla. Hindi nagtagal, pagkatapos isara ang isla at maitaboy ang mga tao doon at masira na ang mga istruktura, publikong sinabi ng Pangulo na isasilalim niya sa land reform program ito at ipamamahag­i sa mga magsasaka.

Ngayon, ipapamahag­i niya sa mga katutubo ang lugar para ibenta nila ito sa mga malaking negosyo para magkapera sila.

Ito ang paraan sa pagsira niya sa kanyang pangako na ipala-land reform niya ang Boracay. Ito rin ang epektibong paraan upang mapagbigya­n ang malaking kompanyang pinahintul­an ng PAGCOR na makapagpat­ayo ng casino sa isla. Maaaring ito ang isa sa mga malaking negosyong binanggit ng Pangulo na pagbebenta­han ng mga katutubo ng kanilang mababahagi­nan sa kanyang programa. Ang casino ay bukas sa lahat, manlalaron­g local at banyaga. Samantala, ang mga itinaboy na dating nakinabang sa Boracay lalo na iyong may malaking puhunan, tanungin ninyo ang Pangulo. Ano ba talaga ang magiging katayuan namin ngayon pagbukas ng Boracay?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines