Balita

Isyu kina Alden at Bea,‘di mamatay-matay

- Ni NORA CALDERON

M

ATAGAL nang inili-link sina Alden Richards at Bea Binene, pero kahit paulitulit na nila itong itinanggi ay hindi matapustap­os ang isyu, lalo na kapag nakikita silang magkasama with their other friends, like Kristoffer Martin, Barbie Forteza at iba pang nakasama nila noon sa Tween Hearts.

Naging malapit na magkakaibi­gan sila at paminsan-minsan ay nagkakaroo­n sila ng reunion kapag may mga free time silang lahat.

Minsan nga nakita naming magkasama sina Bea at Kristoffer sa isang coffee shop at biniro namin ang aktres, “Nasaan si Alden?”

“Oo nga po, lagi nilang sinasabi kami ni Alden, dapat si Tun-tun (Kristoffer) ang sabihin nilang boyfriend ko kasi kami ang mas madalas na magkasama. Paminsan-minsan lamang naming nakakasama si Alden dahil very busy na niya talaga,” sagot ni Bea.

Nang mag-post kamakailan si Bea ng picture sa Instagram na may hawak siyang malaking bouquet of four big red roses, sinabi na naman ng netizens na galing daw iyon kay Alden. May caption si Bea: “And in this crazy life, and through these crazy times, It’s you, it’s you, you make me sing. You’re every word, you’re everything.” Pero may non-showbiz boyfriend daw si Bea. Ayaw lang niyang sabihin kung sino. Sabi ay kasama niya ang guy nang magbakasyo­n sila sa Japan last month. “Masfocuspo­akosawork ko, lalo ngayon na nagtetapin­g na kami ng isang drama series (wala pang title), na makakasama ko for the first time si Ms. Sunshine Cruz, at first time din naming magtatamba­l ni Benjamin Alves. May pagkaseryo­so po ang tema ng serye namin kaya kailangang maging serious din ako sa mga eksenang gagawin ko,” kuwento ni Bea. Si Jake Vargas ang dating boyfriend ni Bea, pero matagal na silang nag-break. Huling napanood si Bea sa telefantas­yang Mulawin vs Ravena, ng GMA 7, katambal si Derrick Monasterio.

 ??  ?? Alden
Alden
 ??  ?? Bea
Bea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines