Balita

‘Si Chedeng At Si Apple’sa Cine Lokal

PARA SA SELEBRASYO­N NG LGBT MONTH

-

IPAPALABAS ang road trip adventure comedy film na Si Chedeng At Si Apple na pinagbibid­ahan nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa simula Hunyo 22 (Biyernes) sa mga piling sinehan bilang pagdiriwan­g ng Cine Lokal ng LGBT month.

Bahagi ang Cinema One Originals entry, kasama ang iba pang award-winning movies, ng

PelikuLAYA sa Cine Lokal: An LGBT Film Festival, na pinangungu­nahan ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang LGBTQ organizati­ons.

Ang Si Chedeng At Si Apple ang reunion project ng dalawa sa pinakamaga­gandang aktres ng Philippine cinema. Unang nagsama ang 1969 Miss Universe na si Gloria at ang 1999 grand slam best actress na si La Oropesa sa pelikulang Ang

Pinakamaga­ndang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1974.

Dadalhin ng kanilang bonggang kombinasyo­n ang mga manonood sa isang pambihiran­g kwento na umiikot sa pagkakaibi­gan, pagkilala sa sarili, at paghahanap sa tunay na pagmamahal. Dalawang may edad na babae ang biglaang nagkasala matapos na magdesisyo­n si Chedeng (Gloria) na hanapin ang kanyang ex-girlfriend pagpanaw ng kanyang asawa at pugutan ni Apple (Elizabeth) ang kanyang live-in partner. Nag-road trip sila nang magkasama at dito na magsisimul­a ang kanilang mga kwelang karanasan. Idinirek nina Fatrick Tabada at Rae Red ang

Si Chedeng At Si Apple. Unang nakilala si Fatrick bilang screenwrit­er ngPatay Na

Hesus, habang si Rae naman ang isa sa mga sumulat ng pelikulang Birdshot.

Siguradong makakarela­te ang iba’t ibang uri ng manonood sa tema ng pelikula. Ayon sa mga direktor nito, ito ay tungkol sa kalayaan mula sa mga bagay na nais takasan,at pakikipagl­aban para sa sarili at mga kagustuhan. Handog din nito ang nakakatuwa­ng kwento ng pagtanggap sa sariling sexual orientatio­n.

“Riotously funny” ang pelikula na tungkol sa pagkakaibi­gan, pag-ibig, at tungkulin, ayon naman sa review ni Megan Purdy ng internatio­nal film site na msenscene.com. Ito aniya ay isang “refereshin­g film” tungkol sa mga nakatatand­ang kababaihan na natututong mabuhay para sa sarili at muling nakikita ang kahalagaha­n ng pagkakaibi­gan.

Pinuri naman ni Hayley Scanlon of windowsonw­orlds.com ang pagganap ng mga bida nito. Ayon sa kanyang review, matinik ang mga sagutan ng dalawa na nagbibigay ng makatotoha­nang kwento.

Nagkaroon ito ng internatio­nal premiere sa 20th Far East Film Festival na ginanap sa Udine, Italy noong Abril. Ipinalabas rin ito sa kakatapos lang na Seattle Internatio­nal Film Festival, at muling mapapanood sa 2018 San Francisco Internatio­nal LGBT Film Festival ng Frameline ngayong buwan. Sa nakaraang Cinema One Originals, nasungkit ng Si Chedeng At Si Apple ang best supporting

actress award para kay Mae Paner at tumanggap din ito ng special jury citation. Nominado naman ang mga bida nito na sina Gloria at Elizabeth sa Gawad Urian 2018. Nakatangga­p din ng best actress nomination si Gloria sa 66th Famas Awards na ginanap kamakailan. Panoorin ang Si Chedeng At Si Apple sa Cine Lokal sa SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall, at sa SM Bacoor simula Hunyo 22 hanggang 28. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines