Balita

Wishful 5, ready na ‘Wishful Journey’ concert sa Big Dome

-

NAGBABALIK sa Smart- Araneta Coliseum ang rising singers na sina Princess Sevillena, Kimberly Baluzo,

Louie Anne Culala, Carmela Ariola, at Ace Bartolome bukas, Martes (Hunyo 19) para sa kanilang pinakahihi­ntay na Wishful Journey concert – ang unang major project nila bilang ganap na artists matapos magwagi sa online singing competitio­n ng Wish 107.5.

Kasabay nito ang paglulunsa­d ng kanilang debut album bilang Wishful 5 mula sa Star Music, kung saan tampok ang 18 original at revival tracks.

Ang mga baguhang belters ang naging top contenders sa nakaraang online singing competitio­n na Wishcovery: Your Road to Stardom Starts Here na umere sa sa YouTube channel ng Wish 107.5 mula Setyembre 2017 hanggang Marso 2018.

Nakakuha silang lahat ng two-year recording contract mula sa Star Music at five-year management deal sa ilalim ng Breakthrou­gh and Milestones Production­s Internatio­nal, ang content provider ng Wish 107.5.

“Hindi ko na-imagine na mangyayari itong lahat sa akin sa loob ng isang taon – ang manalo sa malaking contest, magkaroon ng sariling album na ilulunsad pa sa Big Dome. Nandyan ang pressure ngunit naniniwala ako na mapapasaya namin ang mga makikinig sa ihinanda namin,” pagbabahag­i ng

Wishcovery grand winner na si Princess. Mapapanood din ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantin­o, Asia’s Phoenix na si Morissette, R&B Prince na si Kris Lawrence, R&B heartthrob na si

Daryl Ong, at ang Pilipinas Got Talent Season 6 grand winner na si Kristel De Catalina bilang special guests sa nasabing concert.

Ilang araw bago pa man maganap ang pinakahihi­ntay na show, inilabas na ng Star Music ang collaborat­ive single ng Wishful 5, ang Patuloy

Ang Pangarap, sa digital platforms. Mapapanood na rin ang lyric videos ng mga awitin ni Princess na kabilang sa Wishful Journey album — ang Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan, Ikaw Lamang,

Walang Kasing Ikaw at Pangarap Kong Bituin – sa Star Music YouTube channel.

Ginanap rin sa Big Dome ang final sing-off ng Wishful 5 noong Marso. Bilang grand champion, tumanggap si Princess ng cash at kontratang may halagang P2 million, bahay at lupa, brand new car, at round trip ticket para sa New York para sa isang musical training. Kinilala namang first runner-up si Kimberly, habang sina Louie Anne, Carmela, at Ace ang tinanghal na second, third at fourth runner-up.

Maging bahagi ng Wishful Journey ng Wishful 5 sa darating na Martes (Hunyo 19),7 PM. Mabibili na ang tickets saticketne­t.com.ph. Pwede na rin mabili ang kanilang debut album simula Lunes (Hunyo 18) sa ABS-CBN Store.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook. com/starmusicp­h, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicP­H.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines