Balita

‘Incredible­s 2’ humakot ng $180M sa opening day

-

NANGUNA ang Incredible­s 2, ang long-awaited return ng kakaibang animated superhero family mula sa DisneyPixa­r, sa North American box office, nang tumabo ng $180 million sa unang araw ng pagbubukas nito, ayon sa taya ng industry nitong Linggo.

Naitala ng pelikula ang highest-ever opening para sa isang animated film sa US at Canada, at tinalo ang $135 million na kinita ng Disney-Pixar stablemate na Finding Dory noong 2016 sa opening nito.

Tampok sa pelikula ang istorya ng Parr family—ang matriarch na si Helen ( Holly

Hunter) na inatasang ibalik ang hiding superheroe­s ng mundo para magsilabas ulit, at napunta sa asawang si Bob ( Craig T.

Nelson) ang pang-araw-araw na trabaho ng isang maybahay.

Ang kanilang mga anak, sina Violet ( Sarah Vowell) at Dash ( Huck Milner) ay nagbalik din, kasama ang baby na si JackJack, na kalalabas lang ang nakakapran­ing na powers.

Pumangalaw­a ang female heist flick, ang Ocean’s 8, na kumita ng $19.6 million sa opening nito, in its second week, ayon sa Exhibitor Relations. Puro babae ang cast, sa pangunguna ni

Sandra Bullock, kasama sina Cate Blanchett, Anne Hathaway, Helena Bonham Carter, Mindy Kaling at Rihanna, sa Warner Bros. sequel na pinakabago­ng experiment ng Hollywood — pagkatapos ng Ghostbuste­rs — kung saan pinalitan ng mga babae ang orihinal na all-male cast.

Tampok sa pelikula sina Sandra bilang si Debbie Ocean, kapatid ni Danny Ocean (orihinal na ginagampan­an ni George

Clooney). Binuo niya ang isang gang ng mga talentadon­g babae.

Pumangatlo ang adult comedy Tag sa opening na may $14.6 million kinita. Pang-apat ang Solo: A Star Wars Story, na pinagbibid­ahan ni Alden Ehrenreich, at kumita ng $9.1 million, at halos $200 million sa buong North America. Panglima ang R-rated superhero flick na

Deadpool 2 sa $8.8 million. Kabilang din sa top 10 ang Hereditary ($7.0 million), Superfly ($6.3 million), Avengers: Infinity War ($5.3 million), Adrift ($2.1 million), at Book Club ($1.85 million).

 ?? Holly ??
Holly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines