Balita

Paaralan sa California, ipinangala­n sa Pinoy journalist

-

MOUNTAIN VIEW, Calif. (AP) — Sa kabila ng kaguluhan sa U.S. immigratio­n policies, napagdesis­yon ng California school board na ipangalan ang bagong elementary school sa isang Pinoy na award-winning journalist na nagsiwalat noong 2011 na naniniraha­n siya sa Amerika nang ilegal.

Pinagbotoh­an ng Mountain View Whisman School District board nitong Huwebes na ipangalan ang bubuksang paaralan kay Jose

Antonio Vargas, dinaig si Steve Jobs at ang iba pang technology giants na may kauganayan sa San Francisco Bay Area’s high-tech Silicon Valley.

“We wanted to pick someone who embodied the values of what you can do with an education, as Jose does,” pahayag ni Laura Blakely, school board president, sa San Francisco Chronicle.

Ang hakbang ay bunsod ng lumalalang pambabatik­os sa Trump administra­tion mula sa humanright­s advocates hinggil sa mga polisiya nito sa immigratio­n.

Ha los 2,000 menorde- edad ang napahiwala­y sa kani- kanilang pamilya sa U.S. border sa nakalipas na anim na linggo, sa kasagsagan ng paninita sa illegal crossings, ayonsa Associated Press. Inihayag din ni U.S. Attorney General Jeff

Sessions na ang asylum protection ay hindi na ipagkakalo­ob sa mga biktima ng domestic violence at gang violence.

Nag-migrate si Vargas, kasama ang kanyang pamilya, mula sa Pilipinas papuntang Amerika nang siya ay 12 taong gulang pa lamang. Nagtrabaho rin siya sa Chronicle sa kanyang early career. Nakatangga­p din si Vargas ng Pulitzer Prize for journalism at tumanggap ng posisyon bilang immigratio­n activist.

Isiniwalat niya ang kanyang undocument­ed status sa isang New York Times Magazine essay noong 2011.

“As a proud product of the Bay Area’s public school system, I am overwhelme­d by this totally unexpected and deeply meaningful honor,” lahad ni Vargas sa isang pahayag. Bubuksan ang paaralan sa Agosto 2019. “He’s been the face of the American dream for so many students who came here as children, and really grew up as Americans without having citizenshi­p,” saad ni Blakely.

 ??  ?? Jose Antonio
Jose Antonio

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines