Balita

Justin Bieber at Hailey Baldwin huling naghahalik­an

-

MUKHANG nagkabalik­an na nga sina Justin Bieber at Hailey Baldwin. Kamakailan ay naintriga ang publiko kung nagkabalik­an na ang dalawa nang mamataang aang magkasama at makuhanan ng litrato sina Justin tin at Hailey sa Miami, Florida, at sa New York City.

Ngunit nitong Sabado, hindi na maitatangg­i ggi ang mga usap-usapan nang mamataan silang naghahalik­an sa NYC, ulat ng Entertainm­ent Tonight.

Makikitang naghahalik­an ang 24-taong gulang na singer at ang 21-anyos na model habang nakatanaw sa East River sa NYC, sa video na nakuha ng TMZ. Sumunod ay nakita ring nagme-make out ang dalawa sa Rockefelle­r Park.

Nitong Linggo, nag-post si Justin sa Instagram ng kanyang sarili habang nakikipag-usap sa isang batang fan, habang nakatayo sa gilid si Hailey suot ang isang floral dress.

Taong 2015 nang nagkaroon ng relasyon sina Justin at Hailey. Bago maglabasan ang kamakailan nilang “flirty outings” ay ibinahagi ng modelo ang estado ng kanilang relasyon nitong nakaraang buwan.

“Justin and I were friends for a long time,” aniya sa The Times UK. “I met him when I was really young and he was one of my best friends. Everybody knows that at a certain point in time that turned into something else, but that just happens when you’re 18, 19. It was what it was. We went through a long period of time when we weren’t friends. We didn’t speak for quite some time and there was a lot of weirdness that went on. We’ve moved past that.”

Malinaw na okay na silang dalawa.

 ??  ?? Justin at Hailey
Justin at Hailey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines