Balita

Daniel, out na sa ‘Marawi’ ni Robin

- Ni JIMI C. ESCALA

SINABI ni Robin Padilla na malapit na nilang umpisahan ang shooting ng pelikulang Marawi, na pagbibidah­an niya to be directed ng kaibigan niyang si Joyce Bernal.

Isa si Piolo Pascual sa mga producer ng Marawi.

Ganun na lang daw ang excitement na naramdaman ni Robin. May ilang bagay na lang daw silang pinag-uusapan ng mga taong kasama sa produksiyo­n.

“Konting tiis na lang, na-approve na lahat ng sector. Mag-shooting na lang kami. Natuwa lang ako dahil sinabi ni Heneral Piolo Pascual na involved ang ABS-CBN Channel 2,” sey pa ni Robin.

Banggit pa raw ni Piolo na makakasama nila sa pelikula ang ilang sikat na Kapamilya Stars, na halos lahat ay kaibigan nila.

Nalungkot lang si Robin dahil dapat daw ay kasama ang pamangkin niyang si Daniel Padilla sa cast. Si Piolo pa nga raw ang may gustong mapasama sa nabanggit na pelikula si Daniel, pero sa kung anumang dahilan ay hindi na raw matutuloy sa Marawi ang sikat na young actor.

“Ayoko namang pangunahan sila, mas maganda kung sila na mismo ang magkuwento sa inyo kung sinu-sino na ang mga kasama sa cast ng Marawi. Siyempre, kalungkot lang dahil hindi na si Daniel ang nakakuha sa role. Sayang,” ani Robin.

Kuwento pa ni Robin, kung ilang beses na raw naman nilang binisita ang Marawi, at marami raw silang nasaksihan mismo sa totoong kalagayan ng mga kababayan natin sa siyudad, na nawasak ng limang-buwang bakbakan noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ni Robin na marami raw mapupulot na aral ang lahat sa gagawin nilang pelikula na hango sa nangyari sa Marawi.

‘’Yung message na nangyari sa Marawi, hindi natin dapat makalimuta­n ‘yun. Hindi dapat malaos dahil ‘yun ang past, present and future situation ng ating bansa,”seryosong lahad pa ni Robin.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Robin para sa asawa niyang si Mariel Padilla sa pagbabalik hosting ng aktres sa noontime show ng Dos na It’s Showtime.

 ??  ??
 ?? Robin ??
Robin
 ?? Daniel ??
Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines