Balita

Iza, busy sa wedding gown

- Mark Reyes. Nitz Miralles

NAG-

POST si Iza Calzado sa Instagram ng photo na may bridal dresses mula sa The Loft Bridal, at may caption ito na: “Any Bridezilla would be pleased with this enchanting place.”

Ang nasabing shop for bridal gowns ay nasa Hong Kong.

Ang dating nito sa mga nakabasa sa post ni Iza ay nalalapit na talaga ang wedding nila ng kanyang fiancé na si Ben Wintle.

Nabanggit na rin naman ni Iza sa isa sa mga interview sa kanya na this year na ang kanilang kasal, hindi pa lang sinasabi ang exact date at kung saan. Tiniyak naman ng aktres na mag-a-announce siya ng tungkol sa kanyang wedding.

Busy ang schedule ni Iza, may TV show siya, habang katatapos lang niyang kumpletuhi­n ang isang entry sa Cinemalaya, at may sisimulan din siyang movie under Sanggre Production­s, kasama sina Diana

Zubiri, Karylle, at Sunshine Dizon. Napalitann­angtitlean­gCinemalay­a entry ni Iza. Sa halip na Sa Pagitan Ng

Dito at Doon ay Distance na ang title nito. English, maiksi, at madaling tandaan. Sa direksiyon ito ni Perci Intalan, at ito na yata ang pinaka-daring na pelikula ni Iza.

As for her TV show, nagsimula na ang State of the Art sa ANC, na napapanood every Monday at may replay ng 11:00pm. Maganda ang show na tungkol sa arts and culture ng ating bansa. Of course, excited na ang fans ng original Sanggres ng Encantadia sa gagawin nilang pelikula, na sila ring apat ang producer. Nasa kanila na ang script ng movie, to be directed by

 ??  ??
 ??  ?? Iza
Iza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines