Balita

JoshLia J hindi mag-on m pero todo-PDA

- Ni NITZ MIRALLES

WALANG

nagreklamo sa mga reporter na nakasaksi sa (PDA) public display of affection nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa presscon ng I Love You Hater nitong Lunes ng gabi. Nag-enjoy pa nga ang press na makitang very touchy si Joshua kay Julia.

Laging magka-holding hands ang JoshLia, at kahit nakaupo na sila ay hawak pa rin ni Joshua ang mga kamay ng dalaga. Minsan, sa hita ni Julia nakapatong ang kamay ni Joshua, at minsan ang kamay naman ni Julia ang nakapatong sa hita ni Joshua.

May pagkakatao­n pang nakayakap si Joshua kay Julia, at dahil pinayagan siya ni Julia na hawakan ang mga kamay niya at yakapin siya sa harap ng mga reporter, naniniwala ang mga reporter na sila na talaga.

Ito ay kahit pa “sa tamang panahon” ang sagot ni Joshua sa tanong ni Kris Aquino kung GF na niya si Julia.

Pero sa tanong ni Kris kung he loves Julia, agad na “yes” ang sagot ng young actor.

Kundi lang siguro napigil ni Kris si Julia ay baka ito na ang umamin sa estado ng relasyon nila ni Joshua. Sinabi kasi ni Kris na ang lalaki ang dapat maunang umamin.

Sinamantal­a rin ni Joshua ang pagkakatao­n para mag- sorry kay Julia sa kasalanang nagawa niya. Ito ay matapos na mag-request si Kris: “Can you promise everybody you will be faithful to Julia?”

Sagot ni Joshua, “Baba (tawagan nila ni Julia), I’m sorry sa nagawa kong mistake. I promise to be a better man for you... for us.” Anyway, sa July 11 ang showing ng I Love

You, Hater, sa direksiyon ni Giselle Andres mula sa Star Cinema. Sa trailer pa lang, nag-enjoy na ang nakapanood, lalo na ‘pag buong pelikula na ang napanood.

 ??  ??
 ??  ?? Joshua at Julia
Joshua at Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines