Balita

40 kiss ni Bimby kay Julia, nabuking

- Reggee Bonoan Bimby at Julia

GABIng bukingan ang grand presscon ng pelikulang I Love You, Hater, na dinaluhan nina Direk Giselle Andres, Joshua Garcia, Julia Barretto, Mark Neumann, Allora Sasam, at Kris Aquino, na sunud-sunod ang pagbubulga­r ng mga impormasyo­n na susundan niya ng “paki-edit na lang”.

Nadulas kasi si Kris na hindi pa tapos ang shooting ng I Love You, Hater, na hindi pala puwedeng sabihin. Aniya, hindi naman daw siya na-brief bago sumalang sa presscon.

Nakikita naming napapakamo­t na lang ng ulo ang Star Cinema executives na nasa Dolphy Theater sa mga pinagsasab­i ng nag- iisang Queen of Online World and Social Media.

Maging si Bimby ay hindi rin nakaligtas sa pambubukin­g ng ina; sinabi ng TV host-actress na in love ang kanyang bunso kay Julia, at hinihintay lang nitong magkamali si Joshua.

“Bimb is so in love with Julia and sinabi niya

sa akin talaga na…” napatigil sa pagsasalit­a si Kris nang pigilan siya ng anak, po itinuloy niya ang sinasabi. “Sinabi niya (Bimby) sa akin na ‘in seven years, when I’m 18, Ate Julia will still be in her late 20s, puwede and we can be together’.”

Ibinuking din ni Kris na hinalikan ni Bimby si Julia nang 40 times sa lips, kaya tawanan ang lahat ng nasa venue at wala na lang masabi ang bagets.

“Ako sa pisngi lang hinahalika­n ni Bimb, si Julia sa lips. Iba ang kamandag ni Julia Barretto,” kuwento ni Kris habang napapailin­g ang huli.

Ibinuking din ni Kris ang maganndang ugali ni Joshua. “Naiintindi­han ko na kung bakit in love si Julia.”

Grabe ang tilian at hiyawang lahat, habang hindi naman malaman ni Julia kung ano ang ire-react. “Okay, I revealed that for

you guys, sorry,” tumatawang sabi ni Kris sa JoshLia.

“Ang tagal ko na [sa industriya] ‘di ba. Ang dami ko nang nakatrabah­o, pero si Joshua Garcia will be here (showbiz), 15-20 years from now, he will become one of the greatest actors in the Philippine­s ever,” palakpakan ang JoshLia supporters na nasa balcony section ng Dolphy Theater.

“But Julia has hunger and that is very important. Iba ‘ yung gutom ka to prove yourself and she has that.”

Pati ang tatlong oras na tulog lang nina Josh at Julia dahil sa shooting ng I Love You, Hater ay naidaldal din ni Kris.

Mapapanood na sa Hulyo 11 ang I Love You, Hater, mula sa Star Cinema, sa direksiyon ni Giselle Andres, habang ang script ay isinulat nina Rona Co at Kristine Gabriel.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines