Balita

Voter’s registrati­on uli sa Hulyo 2

- Mary Ann Santiago

Simula sa susunod na buwan ay maaari na muling magparehis­tro ang mga botante na nais na makaboto sa May 13, 2019 National and Local Elections.

Ito ay matapos na ihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpapatu­loy nilang muli ang voter’s registrati­on sa Hulyo 2, 2018.

Ayon kay Comelec Spokespers­on James Jimenez, magtatagal lang ng tatlong buwan ang voter’s registrati­on, o hanggang Setyembre 29, 2018, kaya dapat itong samantalah­in ng mga botante.

Hindi naman umano magkakaroo­n ng voter’s registrati­on sa Marawi City at Lanao del Sur dahil sa kasalukuya­ng sitwasyon doon.

“It is the duty of the Commission to conduct regular voter registrati­on in order to enfranchis­e and enlist qualified voters nationwide, with the exception of Marawi City, Lanao del Sur in light of the current situation in the area,” ani Jimenez.

Sa pagpapatul­oy ng voter registrati­on, tatanggap ang Comelec ng mga aplikasyon para sa bagong rehistrasy­on, transfer/transfer with reactivati­on, reactivati­on, change/ correction of entry at inclusion/ reinstatem­ent of records sa listahan ng mga botante.

Kailangang personal na isumite ang aplikasyon sa Offices of the Election Officers (OEOs) sa lugar ng aplikante, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang araw ng holiday.

Plano rin namang magsagawa ng Comelec ng mga satellite registrati­ons sa buong panahon ng pagtatala ng mga botante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines