Balita

R40- M puslit na kargamento, nasamsam sa NAIA

- TEKA MUNA Mina Navarro ALI VICOY

Tinatayang nasa P40 milyon halaga ng pekeng beauty products, branded na sapatos, at skimming devices ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA).

Sa ulat ng ahensiya, nakuha ng BoC-NAIA sa bodega ng Paircargo ang 12 balikbayan box na naglalaman ng 6,500 piraso ng Abu Dhabi-imported beauty products ng Goree Day at Night Whitening Cream, Goree Beauty Cream, Goree Lotion, sabon at iba pang makeup kits na nagkakahal­aga umano ng P8 milyon.

“These non-Food and Administra­tion Agency (FDA) approved beauty products were disguised as balikbayan boxes declared to contain personal effects and household goods, consigned to Associated Freight Consolidat­ors and other multiple consignees,” ani Customs Commission­er Isidro Lapeña.

Nakumpiska rin ng BoC ang 15 balikbayan box mula sa Italy, na ipadadala sa Associated Freight Consolidat­ors, na naglalaman ng 111 pares ng original rubber shoes na nasa P7 milyon ang halaga.

Kabilang sa brand ng mga nakumpiska­ng sapatos ang Nike Airmax DLX, Airmax 1/97 VF SW, Nike Vapormax FK, Adidas Yeezy Powerhouse CG6420, Adidas PW Holi NMD MC, Vans Era 95 DX, Balenciaga sneakers, Air Jordan 1 Retro, at mga gamit na Nike sneakers.

Samantala, mahigit 1,110 skimming devices naman ang nasamsam ng ahensiya sa tatlong terminal ng NAIA mula sa mga pasahero mula sa China, Taiwan, Hong Kong, Malaysia, at Indonesia, simula Disyembre 16, 2017 hanggang Hunyo 1, 2018.

Iniinspeks­iyon nina Customs Commission­er Isidro Lapeña at Customs Collector Carmelita M. Taluzan ang milyun-milyong pisong halaga ng mga sapatos, cosmetics at iba’t ibang beauty products, na nakasilid sa mga balikbayan box para sa iba’t ibang consignee kahapon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines