Balita

May mananagot sa BHS anomaly—Duque

- Analou De Vera at Genalyn D. Kabiling

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na papanaguti­n ang mga dati at kasalukuya­ng opisyal ng Department of Health (DoH) kaugnay ng umano’y iregularid­ad sa Barangay Health Stations project, na nagkakahal­aga ng P8.1 bilyon.

“Past and present official ay kailangang panagutin, of course, dadaan ‘yan sa due process para wala naman silang puwedeng sabihin na parang kinaladkad na lamang sila,” sinabi ni Duque sa isang panayam sa radyo kahapon.

“Ang CoA (Commission on Audit) investigat­ion output or result, iyon ang titingnan natin at susuriing maigi kung magiging sapat ito bilang basehan sa pagsasampa ng reklamo o kaso, at iyon ang gagawin namin,” dagdag ng kalihim.

Inamin ni Duque na kapakipaki­nabang ang proyekto, pero nagkaprobl­ema lang sa pagpaplano nito.

“Magandang-maganda talaga ang hangarin nito. Ang naging problema ay ‘yung planning,” sabi ni Duque. “Maganda ‘yung konsepto, maganda ‘yung pakay. Kasi gusto nga natin ipaabot sa ating mga barangay na puwede silang makakuha ng serbisyong pangkalusu­gan. Kahit hindi malubha ang kanilang karamdaman ay puwede silang mabenepisy­uhan doon sa mga health promotion programs, disease prevention, immunizati­on at iba pang pangunahin­g gamot para sa mga simpleng mga sintomas,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi ni Duque na mayroon lamang 270 barangay health station (BHS) na nakumpleto sa 429 na BHS na napaulat na nakumpleto.

“From 429, nag-imbestiga kami. Lumalabas na 270 daw ang posibleng natapos,” ani Duque.

Determinad­o naman ang gobyerno na papanaguti­n ang sinumang responsabl­e sa nasabing anomaly.

“The President is dead serious about his campaign against corruption. Basta may ebidensiya po, isasampa naman ‘yan,” sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines