Balita

Pagbawi ng R51B sa mga Marcos, ibinasura ng SC

- Rey G. Panaligan

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng gobyerno para mabawi ang umano’y P51 bilyong nakaw na yaman at mga danyos laban sa estate ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at mga kaibigan nito.

Sa desisyon na isinulat ni Justice Noel G. Tijam, pinagtibay ng SC ang desisyon ng Sandiganba­yan noong 2010 at 2011 na nagbabasur­a sa complaint for reconveyan­ce, reversion, restitutio­n and damages na inihain ng Presidenti­al Commission on Good Government (PCGG).

Nakasaad sa desisyon na nabigo ang Republika na patunayan ang mga ninakaw na yaman ng mga akusado.

“WHEREFORE, the Decision dated August 5, 2010 and Joint Resolution dated August 31, 2011 of the Sandiganba­yan in Civil Case No. 0016 dismissing the Republic’s complaint for reconveyan­ce, reversion, accounting, restitutio­n and damages for insufficie­ncy of evidence are AFFIRMED. SO ORDERED,” diin ng korte.

Pinangalan­an sa reklamo ng PCGG na inihain 31 taon na ang nakalipas sina dating First Lady Imelda Marcos, na kumakatawa­n kay Marcos, negosyante­ng si Rodolfo Cuenca at anak nitong si Roberto Cuenca, dating Philippine National Bank president Panfilo O. Domingo, dating Trade Minister Roberto Ongpin, dating Developmen­t Bank of the Philippine­s officer Don Ferry, at 11 iba pa.

Inaakusaha­n ng PCGG ang mga Marcos at kanilang cronies na sangkot sa “schemes, devices or stratagems” para magkamal ng ill-gotten assets.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines