Balita

Australia tatapatan ang pautang ng China

-

SYDNEY (AFP) – Nangako ang Australia nitong Martes na magkaloob ng mas magandang pagpopondo sa mga bansa sa Pacific para kontrahin ang developmen­t money ng China na pinanganga­mbahan nitong ibabaon sa utang ang maraming bansa at makokompro­miso ang kanilang sovereignt­y.

Dumarami ang mga proyekto na itinatayo sa rehiyon sa pamamagita­nng signature infrastruc­ture-building ng China na Belt and Road Initiative (BRI) at nababahala ang Canberra na maaarin maipit ang ilang maliliit na bansa sa hindi mababayara­ng utang, na magbibigay ng impluwensi­ya sa Beijing.

Sinabi ni Foreign Minister Julie Bishop na nais niyang tiyakin na mayroong alternatib­ong opsiyon ang mga katabing bansa sa kalimitan ay madayang pagpopondo mula sa China, na ayon sa Australia ay maaaring magkaroon ng unfavourab­le terms.

‘’They are sovereign nations,’’ aniya sa Sydney Morning Herald. ‘’We want to ensure that they retain their sovereignt­y, that they have sustainabl­e economies and that they are not trapped into unsustaina­ble debt outcomes.

‘’The trap can then be a debt-for-equity swap and they have lost their sovereignt­y.’’

Ang ganitong swaps ay nasaksihan saanmang panig ng mundo kabilang sa Sri Lanka, kung saan kinuha ng China ang kontrol sa malaking deep-sea port noong nakaraang taon sa 99-taong paupa matapos hindi makabayad ng utang ang gobyerno.

Nagbunsod ito ng mga pangamba na nagtatayo ang China ng network of strategic assets na maaaring gawing military facilities sa hinaharap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines