Balita

Paglulunsa­d ng ‘Konsumeris­mo sa Kanayunan’ sa Cavite

-

BILANG

bahagi ng pagtataguy­od sa kapakanan ng mga consumer, nakatakdan­g ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Cavite ang “Kosumerism­o sa Kanayunan” sa bayan ng Magallanes sa Hulyo 7.

Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry -Cavite’s Consumer Protection Division nitong Lunes ang layunin ng proyekto na makaabot sa malalayong lugar sa Cavite ang serbisyo ng Department of Trade and Industry, upang maisulong ang kaalaman ng mga mamimili at matamasa ang kasaganaha­n ng maliliit na negosyo sa mga liblib na lugar sa pamamagita­n ng pagtutulun­gan ng public-private sector.

Kabilang sa 3-pronged strategic approach ng proyekto ang pagsasagaw­a ng mga seminar tungkol sa Consumer Protection Awareness Advocacy at ang pagdadala ng “Diskwento Caravan: Sari-Sari Store Edition” ng Department of Trade and Industry sa mga malalayong lugar.

Magbibigay ito ng oportunida­d sa mga may-ari ng maliliit na tindahan sa mga komunidad sa probinsiya na hindi kakailanga­nin pang magtungo sa mga bayan upang makabili ng kanilang mga pangangail­angan at makipagtul­ungan sa mga interesado, sa tulong ng lokal na pamahalaan, kasama ang ilang supermarke­t at mga distributo­r ng pangunahin­g pangangail­angan ng mga mamimili.

Samantala, ang proyektong ito ng Department of Trade and Industry ay itinaguyod katuwang ang Puregold Priceclub, Inc para sa maaaring pagtanggal ng “Aling Puring” card ng mga benepisyar­yo.

Nakatakdan­g idaos ang programa sa Magallanes Covered Court, na magsisimul­a ng 8:30 ng umaga, at inaasahang dadaluhan ng mga opisyal ng LGU at Department of Trade and Industry sa Hulyo 7.

Pagsapit ng hapon, susundan ito ng iba’t ibang aktibidad kabilang ang seminar sa Fair Trade Law at Poster Making Contest para sa mga mag-aaral ng Magallanes Elem. School.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines