Balita

Bala, ipakakain ni PRRD

- Bert de Guzman

NOONG

panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino, nauso ang “tanim-bala” o laglag-bala. Isa itong dahilan na ikinasuya ng taumbayan sa administra­syong Aquino. Isipin ninyo ang pahirap nito sa mga pasahero, tulad ng nangyari sa mag-asawang senior citizen na pupunta sa US para dalawin ang anak, pero pinigil sa airport dahil may bala raw sa loob ng kanilang bagahe.

Nang kumakandid­ato si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panguluhan noong 2016, nagbanta siya sa nagtatanim ng bala sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) na kapag siya ay nahalal, ipakakain niya ang bala sakanila. Ibinoto siya ng mga tao. Nawala ang “tanim-bala” sa paliparan.

Sa banner story ng BALITA noong Lunes na “May kakain ng bala”, binigyan ni PRRD ng 24 oras ang mga pinuno ng NAIA at ng Department of Transporta­tion ( DOTr) ng 24 oras na imbestigah­an ang bagong insidente ng “tanimbala” na nangyari noong Hunyo 15 sa Terminal 3 Gate 2.

Bunsod ng sunud- sunod na pagpatay sa mga paring katoliko, inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na magsagawa ng pagsisiyas­at tungkol dito. Gayunman, ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang lead investigat­or sa mga kaso ng pagpatay sa mga pari.

Tama lang ang kautusang ito ni Guevarra. Kung ang mga pagpatay sa mga drug pusher at user ay pinaiimbes­tigahan, gaano pa ang pagpasalan­g sa mga pari na alagad ng kapayapaan. Kontra ang mga obispo sa mungkahing armasan ang mga pari upang ipagtanggo­l ang mga sarili.

Diskuwalip­ikado si Labor Sec. Silvestre Bello III na hirangin o kahit i- nominate bilang Ombudsman dahil may kinakahara­p siyang criminal at administra­tive charges sa Office of the Ombudsman. Batay sa alituntuni­n ng Judicial Bar Council, ang mga tao o pinuno na may nakapendin­g na kaso ay diskuwalip­ikado sa nominasyon o paghirang sa puwesto.

Batay sa ulat, si Bello ay may nakabinbin­g criminal case na graft at kasong administra­tibo dahil naman sa misconduct. Sino kaya ang makakapali­t ni Ombudsman Conchita CarpioMora­les na naging “tinik” sa lalamunan ng Duterte administra­tion?

Alam ba ninyong nais ng Department of Education (DepEd) na idagdag ang Good Manners, Right Conduct and Right Values sa aralin ng mga estudyante ngayon? Sa caricature ng mapagbiron­g kalabaw sa isang English broadsheet, ganito ang bulalas niya: “Lesson No. 1: Huwag Magmura.” Kwidaw ka kalabaw, baka alisin ang caricature mo dyan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines