Balita

Luis super proud sa acting ni Edu

Ni JIMI C. ESCALA

-

HAPPY si Luis Manzano dahil sa feedback na nakarating sa kanya hinggil sa pinupuri ngayong acting ng ama niyang si Edu Manzano sa Ang Probinsiya­no.

Ayon kay Luis, ibang level daw ang pagiging aktor ng ama niya, huh!

Pinag-uusapan kasi ang ginagampan­ang papel ngayon ni Edu sa numero unong primetime teleserye. Puring puri kasi si Edu ng lahat na sumusubayb­ay sa serye, na pinagbibid­ahan ni Coco Martin.

Kumbaga, ang papel ni Edu sa nabanggit na serye ay hindi bastabasta­ng ordinaryon­g role. Sinabi pa nga ni Luis na pakiramdam niya ay ngayon pa lang nagampanan ni Edu ang ganung role.

Siyempre, pinapanood daw talaga ni Luis ang Ang Probinsiya­no, at marami nga raw sa mga kaibigan niya ang nagsasabin­g napakahusa­y daw talaga ni Edu at kakaiba ang ginawang pagatake sa role nito bilang bise presidente ng Pilipinas.

Tutal ay nasa iisang network na silang mag-ama ngayon, wish ba ni Luis na makasama si Edu sa isang project?

“Oo naman. Sino ba namang aayaw sa isang Edu Manzano?,” natatawang balik tanong ni Luis.

Sa totoo lang naman, marami sa mga nakausap namin ang nagsasabin­g tama ang desisyon ni Edu na lisanin ang pagiging co-host ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff ng GMA Channel 7, huh!

At bagamat ayaw pang kumpirmahi­n ni Luis, may nakarating sa amin na almost sure na raw ang pagpasok ng TV host sa pulitika, huh!

 ??  ?? Luis Edu
Luis Edu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines