Balita

Si Alden ang type ni Kris

- Alden Reggee Bonoan

MAStype pala ni Kris Aquino si Alden Richards kaysa kay Joshua Garcia. Kung sakaling kaedad ng Queen of All Media ang ka-love team ni Julia Barretto at costar niya sa I Love You, Hater, ay hindi raw siya magkakagus­to kay Joshua.

“Ay, Joshua please don’t hate me ha, kung sing-age ako ni Julia, sorry ABS-CBN don’t hate me for my answer, si Alden ang pipiliin ko. Sorry po, I apologized and no offense to anybody here. Tropang Joshua, don’t hate me pero kasi ang kay Julia kay Julia na, so si Alden libre pa,” paliwanag ni Kris sa presscon ng pelikula sa Dolphy Theater nitong Lunes ng gabi.

Nabanggit din ni Kris na sana ay nakinig siya sa mommy niyang si dating President Cory Aquino noong bata-bata pa siya, pagdating sa usaping pag-ibig.

“Kung ano ang inakala ko about love rati na totoo ba, inisip ko dati na ang love dapat mahirap, para bang in true love dapat against all odds. Mali rin ako. Because when it should be love, it could be effortless,” sabi ni Kris.

May pinagsisih­an ba si Kris pagdating sa pag-ibig? “Oh, yes, P40-million worth,” mabilis niyang sagot, tinukoy ang kabuuang halaga na nakuha ng ex-husband niyang si James Yap nang maghiwalay sila.

Samantala, umabot naman sa mahigit P1 milyon ang ipina-raffle ni Kris sa nasabing presscon, kaya naman umuwing masaya ang lahat.

Totoong “Christmas in June” ang pasabog ni Kris nang ipamudmod niya ang apat na Oppo headset Bluetooth 4.1, limang tig-P10,000 BDO cash card, apat na P25,000 gift certificat­e ng National Bookstore, anim na P25,000 gift certificat­e ng S&R, isang P50,000 gift certificat­e ng S&R, apat na PLDT Home Best Buy Bundle worth P41,920, isang Ultherapy gift worth P140,000.

Kabilang din sa mga ipinamahag­i ni Kris ang tatlong 43-inch Samsung g Smart TV, apat na 32-inch h Samsung Smart TV, isang Samsung msung Note 8 cell phone, isang Nespresso Machine, isang Canon n Powershot Camera 11, isang iPhone hone X, isang cart of products distribute­d ibuted locally by Benby, isang set et ng Asvel products worth P10,000, 00, at isang Macbook Air .

Bukod sa mga nabanggit banggit ay may loot bags pa na naglalaman glalaman ng mga produkto ng Ever Bilena, GCs ng Chowking king at Nacho Bimby, Sariroti bread, read, Ambipur, Iflix, Unipak pak sardines, Fucidin tablets, ets, Petron shirt, Vicks, at marami pang pan iba. Sobra ang a pasasalama­t ni Kris sa lahat ng patuloy na sumusuport­a sa kanya at sa lahat ng blessings bles na dumarating sa kanyang buhay, lalo n na at hindi pa man naipapalab­as ang I Love Lov You, Hater ay may kasunod na uling pelikulang gagawin si Kris sa Star Cinema. Ayon sa non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, in two weeks time ay malalaman kung ano ang concept ng nasabing pelikula. ni k p

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines