Balita

Basher basag sa resbak ni Valeen

- Nitz Miralles

HINDI nagpakabog si

Valeen Montenegro sa tweet ng isang netizen against her.

Nakasaad sa tweet: “ayuko kay @ valeentawa­k pabibo masyado kay alden! Ang OA pa nya s asps! Bwiset.”

Sagot ni Valeen, “So, ako ba mag-a-adjust?”

Kumampi kay Valeen ang netizens na nakabasa sa nasabing tweet, dahil nagtatraba­ho lang naman sila ni Alden Richards sa Sunday

Pinasaya. Nagseselos lang siguro ang fan na obvious na fan ng isang love team.

Pinayuhan din si Valeen na huwag nang pansinin ang fan at ang iba pang nagrereact sa closeness nila ni Alden. Close naman talaga si Alden sa lahat ng taga- Sunday Pinasaya maliban kay Julie Anne San Jose, dahil nagka-isyu nga sila dati. Pero nagbabatia­n naman daw sila, sabi ni Julie Anne.

Nagtaka lang kami kung bakit dinelete ni Valeen sa Twitter feed niya ang nasabing tweet. Sabagay, ayaw na lang siguro niyang makabasa ng nega sa kanyang feed, lalo na ngayong nagpopromo­te siya ng movie nila ni Jerald Napoles na The

Write Moment. Showing ang movie sa June 27.

Hindi ito ang first time na ginawan ng isyu sina Valeen at Alden. Pansamanta­la lang itong nawala nang ma-link si Valeen kay Ruru Madrid, tapos heto, balik na naman kay Alden.

Bukod kay Valeen, inaway na rin ng fans ni Alden ang iba pang aktres na nali-link o pilit inili-link sa kanya, gaya nina Andrea

Torres, at recently nga, si Bea Binene.

 ??  ?? Valeen
Valeen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines