Balita

Na-fake news si Mon -- Butch

- Annie Abad

NAGBIGAY ng pahayag si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez hinggil sa umuugong na balita na diumano’y pagpapalis sa puwesto ni dating PBA player Ramon Fernandez bilang commission­er ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Ramirez, kasalukuya­ng nakabakasy­on, wala umanong dahilan upang palitan si Fernandez sa kanyang puwesto at magsisilbi­ng Officer-inCharge umano ang dating PBA great habang siya ay wala sa kanyang tanggapan.

“As far as I am concerned, he is still our Commission­er and he will act as an OIC and acting chairman,” ayon sa mensahe na ipinadala ni Ramirez.

Naniniwala naman si Fernandez na gawa gawa lamang di umano ng mga taong hindi gusto ang kanyang sistema sa pagsisiwal­at ng mga kontrobers­iya sa larangan ng sports.

“It’s not true,” ani Fernandez. “Tsismis lang ‘yan, o ‘ika nga fake news. Siguro may mga grupo o tao lang ayaw ng sistema natin when it comes to being transparen­t kaya siguro gumagawa sila ng mga ganyang klaseng balita. But it’s definitely not true,” aiya.

Matatandaa­n na si Fernandez ang unang PSC Commission­er na nagsiwalat ng ilang katiwalian sa dating pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa ilalim ng pamamalaka­d ng dati nitong presidente na si Jose “Peping”Cojuangco na kalaunan ay napalitan bilang presidente ng Olympic body.

Si Fernandez din ang nagpursigi na makasuhan ang dating Secretary General ng Philippine Karatedo Federation (PKF) na si Reymond Lee Reyes ng malversati­on of public funds bunsod sa maling paggamit sa pondo na ibinigay ng PSC sa training nito sa Europa noong nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines