Balita

Banko-Perlas, kumpiyansa sa PVL F4

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 1:00 n.h. -- Air Force vs IEM (men’s) 4:00 n.h. -- BaliPure vs PocariAir Force 6:00 n.g. -- Iriga-Navy vs BanKo-Perlas

MAKALAPIT sa inaasam na semifinals berth ang tatangkain ng Banko Perlas sa pagpuntiry­a ng ikatlong sunod na panalo sa pagpapatul­oy ng aksiyon ngayon sa Premier Volleyball League ( PVL) Reinforced Conference quarterfin­als sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Makakatung­gali ng Perlas Spikers, nalabing undefeated team sa 6- team single round quarterfin­al round, ang Iriga-

Navy sa tampok na laro ngayong 6:00 ng gabi.

Mauuna rito, maghaharap para sa solong laro sa men’s quarterfin­als ang Air Force at ang Instituto Esthetico Manila ganap na 1:00 ng hapon na susundan ng unang laro sa women’s division sa pagitan ng BaliPure at Pocari-Air Force ganap na 4:00 ng hapon.

“Dahan- dahan, nagjejell na ang players. Problema namin dati, import at setter di nagkakaint­indihan. Ngayon okay na connection nila, nakakapalo na ng maayos yung import namin,” ani Dela Cruz matapos nilang talunin ang defending champion Pocari sa nakaraang laro.

Muling inaasahan ni De la Cruz na mamumuno sa Perlas Spikers sina import Kia Bright at Jutarat Montripill­a na umaasa naman ng patuloy na suporta mula sa kanilang mga locals.

Kapwa naman galing sa talo, mag- uunahang makabalik sa winning track ang Purest Water Defenders (1-1) at Lady Warriors (1-2) sa kanilang pagtatapat ganap na 4:00 ng hapon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines