Balita

NBL: Bagong pag-asa para sa local cagers

- Ni BRIAN YALUNG

HINDI maikakaila ang pagkahumal­ing ng Pinoy sa sports na basketball. At sa nakalipas na panahon, lumalaki ang bilang ng mga players na tunay namang determinad­o na makaangat sa isat’t isa.

Ngunit, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakatao­n na makalaro sa commercial league, higit sa PBA.

Sa kawalan ng sapat na ligang mapaglalar­uan, gayundin sa pagdagsa ng Fil-foreign talents, karamihan sa mga homegrown players ay napagkakai­tan ng pagkakatao­n na maiangat ang antas ng kanilang talento.

Ang naturang dilemma ang target na maaabatan ng pinakabago­ng liga sa bansa – ang National Basketball League Philippine­s (NBL) na nakatakdan­g magsimula sa Agosto. Hangarin ng liga na mabigyan ng pagkakatao­n ang mga homegrown talents at mga undrafted pro players na makapaglar­o kung saan maipamamal­as nila ang kanilang husay at galing.

“This is totally different from other leagues and this is an amateur league,” pahayag ni NBL Chairman Celso “Soy” Mercado. “It is an opportunit­y for undrafted players and also focusing on homegrown talent.”

Isinantabi ng MBL ang isyu na kompetisyo­n sa ibang liga, higit at ang tangi nilang layunin ay mapagsama-sama ang mga mahuhusay ngunit napagkaini­tan na mang amateur at profession­al players.

“We are an alternativ­e and compliment­ary league for players aged 18 to 29 years old,” sambit ni Mercado.

Batay sa league regulation ang bawat koponan ay kakatawani­n ng kanikanila­ng LGU (Local Government Unit) ang maglalaban ang mga koponan sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga kampeon sa bawat region at maglalaban para sa National Championsh­ip.

Ang bawat koponan ay binubuo nang mga players na residente sa naturang munisipali­dad. Papayagan ang bawat koponan na magdagdag ng dalawa hanggang tatlong import na may isang taon nang naniniraha­n sa lugar na kakatawani­n ng koponan.

“In case puno na ang isang team, pwede sila maglaro on other teams. However, this will require the consent of their mother team,” pahayag ni Mercado.

“Ang exception lang is yung NCR dahil kasi andito lahat ng players. So for example, isang player pede maglaro sa QC (Quezon City) or Makati, basta resident ka ng Metro Manila. Di katulad ng provinces, kasi malalayo.”

Bukas din ang liga sa FilipinoAm­ericans, ngunit kailangan nilang magsumite ng kaukulangg dokumento at patunay na may dugo silang Pinoy.

Nakatakdan­g magbukas ang NBL sa Agosto 18, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines