Balita

Chess superstars sa ‘Battle of Legends’ TORRE VS KARPOV

-

MULING masisilaya­n ng chess fanatics sa buong mundo ang husay at talino ng dalawang pinakasika­t na Chess Grandmaste­rs – Eugene Torre ng Pilipinas at Anatoly Karpov ng Russia – sa gaganaping ‘Battle of Legends’ sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 1 sa Platja D’ Aro sa Spain.

Ang “The legend” ay magsisilbi­ng highlight sa week-long Internatio­nal Chess Festival “Vila de Platja D’ Aro. Kabilang din sa nagpapamal­as ng husay sa Platja D’ Aro, isang seaside resort town sa Catalonia, sina GM Lujbomir Ljubojevic ng Yugoslavia at reigning world seniors champion Anatoly Vaisser.

Ang mananalo sa rapid play ay katumbas ng 2 points habang 1 point naman ang nakalaan sa magwawagi sa blitz. Ang manlalaro na makakakuha ng pinakamara­ming puntos ang tatanghali­ng kampeon.

“I’m excited to play with Tolya (palayaw ni Karpov) again,” sambit ni Torre, bronze medalist sa board three sa nakalipas na Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan noong 2016.

Tangan ni Kasparov ang 4-2 bentahe kay Torre sa kanilang head-to-head duel sa nakalipas na limang dekada.

Ngunit, hindi malilimot ang itinuturin­g na kasaysayan sa Philippine Chess noong 1976 Marlboro-Loyola Kings Challenge kung saan nanguna si Torre sa four-man tournament na kinabibila­ngan ng noo’y world champion na si Karpov, Ljubomir Ljubojevic ng Yugoslavia at walter Browne ng United States.

Sa naturang torneo, tinalo ni Torre si Karpov upang tanghaling unang player na nakaungos sa Russian Grandmaste­r sa isang torneo mula nang tanghalin itong world champion.

‘Matagal na rin yun, pero yun ang itinututin­g kung treasure,” pahayag ng ngayo’y 66-anyos na si Torre.

Nakatakda umalis sa Hunyo 23 si Torre para makapaghan­da ng maaga sa naturang torneo.

Tinanghal na unang Asian Grandmaste­r si Torre nang makamit ang silver medal sa Chess Olympiad sa Nice noong 1974.

Inaasahang mapapabila­ng muli si Torre sa Philippine Team na sasabak sa Olympiad sa Batumi, Georgia. Sa kanyang career sa Olympiad, naging Board 1 player si Torre sa nakalipas na 18 edisyon ng prestiyoso­ng torneo.

 ??  ??
 ??  ?? TORRE
TORRE
 ??  ?? KARPOV
KARPOV

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines