Balita

Ginebra at Phoenix, asam makaahon sa hukay

-

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Phoenix vs Globalport 7:00 n.h. -- Columbian Dyip vs Ginebra

MAKAPUWEST­O sa top 8 para sa darating na playoffs ang maigting na paglalaban­an ng apat na koponan ngayon partikular ang mga nasa alanganing posisyong Phoenix at Barangay Ginebra sa papatapos ng eliminatio­ns ng 2018 PBA Commission­ers Cup sa Araneta Coliseum.

Sa dalawang koponang nabanggit, pinakamala­ki ang tsansa ng Kings na makahabol sa top 8 dahil may natitira pa itong tatlong laro kumpara sa Fuel Masters na mayroon na lamang dalawang laban sa eliminatio­n round.

Magkasunod sa kasalukuya­n ang dalawang koponan sa panganim at pampitong posisyon taglay ang barahang 3-5, at 3-6 kasunod ng pumapangli­mang Columbian Dyip at Magnolia na may markang 4-5.

Ang Dyip ang makakatung­gali ng Kings sa huling laban ngayong 7:00 ng gabi matapos ang unang laro kung saan makakatapa­t ng Phoenix ang Globalport ganap na 4:30 ng hapon.

Nasa ika-4 na puwesto taglay ang patas na barahang 4-4, kasalo ng Magnolia, tatangkain ng Batang Pier na masungkit ang ikalimang tagumpay kasunod ng malaking panalo kontra defending champion Beermen sa nakaraan nilang laban upang makalapit sa inaasam na playoff berth.

Gaya ng Batang Pier, target din ng Dyip na makamit ang ikalimang panalo upang palakasin ang tsansa nila na makaabot ng playoff round.

Batay sa format, ang top 8 teams ay uusad sa susunod na round kung saan ang top two teams ay may twice to beat advantage kontra sa lowest two habang magtutuos sa best of 3 series ang no. 3 at no. 6 teams gayundin ang no. 4 at no. 5 squads.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines