Balita

Sagutan nina Carmina at Sunshine, trending

- Ni NORA V. CALDERON

MUKHANG hinintay talaga ng mga netizens ang pagsasama sa isang eksena nina Carmina Villarroel at Sunshine Dizon sa Kambal Karibal last Tuesday evening, dahil nagtrendin­g ang pagdating ni Maricar (Sunshine) sa condominiu­m unit nina Geraldine (Carmina).

Ito ‘yung pinipilit ni Maricar na ibigay na sa kanya ang anak niyang si Cheska ( Kyline Alcantara), pero ayaw ni Geraldine dahil matagal na raw patay si Cheska, at ang nasa kanya ay ang tunay niyang anak na si Crisel ( Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska.

Lalong nagalit si Maricar, sinabing gumagawa lang daw ng kuwento si Geraldine. Paano raw mapupunta sa katawan ni Cheska ang kaluluwa ni Crisel? Hindi raw siya makapapaya­g na hindi ibigay ni Geraldine sa kanya ang anak niyang 18 years na nawalay sa kanya. Lalo namang hindi makapapaya­g si Geraldine na makuha sa kanya si Crisel dahil tulad ni Maricar, matagal din hindi niya nakasama si Crisel simula nang pagkabata nito.

Hindi naman kataka- taka dahil talagang parehong mahuhusay sina Carmina at Sunshine, at kapwa award-winning actress. Kaya naman kapag nagsama sila sa isang project at sa isang eksena ay tiyak ang labanan sa acting ng dalawa.

Masaya nga si Sunshine nang dumating ang offer ng GMA na mag-guest siya sa Kambal Karibal. Napapanood daw niya ang teleserye at nararamdam­an daw niya ang character ni Carmina dahil isa rin siyang ina, at lalo siyang natuwa nang malaman niyang may anak din siya sa story at ipaglalaba­n niya ito laban sa kumupkop sa bata.

Welcome naman kay Carmina nang malaman niyang papasok sa serye si Sunshine, dahil napanood din daw niya noon ang aktres sa Ika-6 Na Utos, at ni-look forward niya ang pareho nilang paglalaban ng karapatan nila sa mga anak nila.

Na-excite din ang young stars na sina Bianca Umali, Kyline at Pauline nang malaman nilang magiging guest nila si Sunshine.

Kaya naman thankful ang Kambal Karibal na nag-trending ito, at patuloy ang pagtaas ng rating laban sa katapat na show. Napapanood ang serye pagkatapos ng The Cure, sa GMA 7.

 ?? Carmina at Sunshine ??
Carmina at Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines