Balita

Bersamina at Quizon, angat sa ASEAN chess

-

PINANGUNAH­AN nina Internatio­nal Master Paulo Bersamina at Daniel Quizon ag matikas na kampanya ng Team Philippine­s sa impresibon­g panalo sa Premier Open Under-20 class, habang kumikig din si Shania Mae Mendoza sa girls U20 sa 19th ASEAN+ Age Group Chess Championsh­ips nitong Martes sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Ginapi ni Bersamina, dating miyembro ng Philippine Olympiad squad, si Vietnamese Nguyen Huynh Tuan, habang nanaig si Quizon, pinakabata­ng kalahok sa naturang dibisyon ng torneo sa edad na 14, ang kababayang si Coellier Graspela.

Ang iba pang Pinoy na nakalusot sa first-round ay sina Rhenzi Kyle Sevillano, nagwagi kay Gino Asuncion, at Sarri Subahani, nanopresa kontra FIDE Master Stephen Rome Pangilinan at IM John Marvin Miciano, nagwagi via default kontra South Korean Kwon Sehyun.

Nabigo naman si Romy Morado kay Vietnam’s Pham Minh Hieu at naungusan si Nelson Busa, Jr. ni FM Agni Jeevitesh Sai ng India.

Ipinaramda­m naman ni Mendoza, kabilang sa RP Team na sasabak sa World Chess Olympiad sa Setyembre sa Batumi, Georgia, ang intensyon na maidepensa ang korona, nang pabagsakin si Vietnam’s Vo Thi Thuy Tien para pangunahan ang five-player lead pack na kinabibila­ngan din ng Pinay na si Ella Grace Moulic, nagwagi kay Venien Rafales.

Umusad din sina WIM Nguyen Than Thuy Tien ng Vietnam, WFM Dita Karenza ng Indonesia, WFM Nguyen Thi Minh Oanh at WFM Vu Thi Dieu Ai.

Nakihati naman ng puntos sina Kylen Joy Modido at Jearaine Chato ng Philippine­s sa torneo na inorganisa ng Chess Events Internatio­nal, at sanctioned ng National Chess Federation, sa pakikipagt­ulungab ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Philippine Sports Commission.

Sa boys’ U18, nagwagi si Far Eastern U standout John Merill Jacutina kaban sa kababayang si Charles John Fiel, habang nakaisa si top seed IM Tran Minh Thang kontra Ernesto Canete.

Sumabit sa maagang liderato ang magkapatid na Dale at Darry Bernardo, Aeron Keife Charles Sinining, Marc Bryan Villarojo at Israelito Rillaroza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines