Balita

NO IMPORTS!

Foreign players, ban na sa NCAA Season 96

- Marivic Awitan

BILANG na ang mga araw na ilalaro ng mga foreign players sa National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA).

Sa desisyon ng NCAA Board, ipinahayag ni NCAA management committee chairman Frank Gusi ng University of Perpetual Help Dalta ang nagkakaisa­ng desisyon para tuluyan nang itigil ang pagpapalar­o ng mga dayuhang estudyante­ng atleta simula sa Season 96.

“The NCAA has decided this year to allow all foreign athletes to see action only until Season 95 or next year,” pahayag ni Gusi sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Forum nitong Martes sa Tapa King Restaurant sa Cubao.

Ilan sa mga imports na hanggang 95 season na lamang makapaglal­aro sa ilalim ng bagong panuntunan ay sina Eugene Toba ng San Beda, Prince Eze, ng University of Perpetual , Hamadu Laminou ng Emilio Aguinaldo College, Clement Leutcheu ng St. Benilde at Ongolo Ongolo ng Arellano University. Bukod sa foreign student athletes, inihayag din ni Gusi ang solidong pagsuporta ng NCAA sa House Bill hinggil sa ‘Anti-Game Fixing Act’ passed sa Kongreso.

“For purposes of this Act, game-fixing shall refer to any arrangemen­t, combinatio­n, scheme or agreement made by any person or persons, who for valuable considerat­ion or monetary gain, maliciousl­y conducts or cause to be conducted any game, race, or sports competitio­n,” ayon sa NCAA statement na inihayag ni Gusi.

Magsisimul­a ang Season 94 ng NCAA sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena, kung saan sisimulan ng San Beda ang kanilang title defense kontra host Perpetual Help.

Inimbita ng Perpetual ang dati nilang alumna at dating league MVP na si Scottie Thompson upang pasinayaan ang opening rites.

Itinanggi naman ni Gusi na isang ‘crackdown’ sa mga foreign players ang naturang policy.

‘Hindi naman, gusto lang natin na mas mabigyan ng pgkakataao­n ang ating mga homegrown talent,” aniya.

Sa MPBL na pinanganga­siwaan ni Senator Manny Pacquiao, nilimitaha­n sa isang FIl-foreigner ang bawat koponan.

 ?? MB FILE PHOTO ?? HANGGANG Season 95 (2019) ang presensiya ng mga foreign players sa NCAA.
MB FILE PHOTO HANGGANG Season 95 (2019) ang presensiya ng mga foreign players sa NCAA.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines