Balita

Kris at Alden sa pelikula, puwede kaya?

- Ni NITZ MIRALLES

NAGPASALAM­AT ang fans ni Alden Richards kay Kris Aquino sa pagpili ng huli sa aktor kaysa sa co-star nito sa I Love You, Hater na si Joshua Garcia.

Sa presscon ng pelikula nitong Lunes ay tinanong si Kris kung sakaling kaedad niya si Julia Barretto, mapo-fall din ba siya kay Joshua? Ikinatuwa ng fans ni Alden na pinili ng Queen of All Media ang kanilang idolo, kaya nagpasalam­at sila sa TV host/actress.

Hindi lang maiwasang may mag-react, silang nega ang dating sa kanila ng isinagot ni Kris. Inakala ng mga nag-react ng nega na inaagaw ni Kris si Alden sa ka-love team nito.

Dahil dito, may dagdag na paliwanag si Kris sa Instagram post niya kung bakit type niya si Alden, bukod sa libre ito at ayon sa kanya ay kasing kinis niya, plus may dimples pa.

“Hindi lang yun—gusto ko talaga yung aura nya, his love for family, and the fact that he waited & worked so hard to have what he has now. Direk @aalixjr knows if there is 1 project I really want to do-it is a movie of how a single mom who devoted her life to raising her child will cope when her son is now a working adult & asserting his independen­ce. And the son I can picture is @aldenricha­rds02 #bucketlist.”

Sumagot si Direk Adolf Alix: “Hopefully we can make that happen soon God willing”, na sinagot ni Kris ng “I can super PRAY.”

Malakas sa Diyos si Kris at ibinibigay ang mga hinihingi niya, kaya malaki ang posibilida­d na matuloy ang pagsasama nila ni Alden sa pelikula in the future.

Una nang naikuwento ni Kris na nagustuhan niya ang Alaala na tinampukan ni Alden at idinirehe ni Direk Adolf, at iang beses pa nga niyang pinanood.

Nakakatuwa rin na tutulong daw ang fans ni Alden kina Kris at Direk Adolf na magdasal para matuloy ang Kris-Alden movie.

Speaking of Direk Adolf, ito naman ang magdidirek kay Kris sa sisimulan nang i-shooting na horror movie ng actress-TV host sa iFlix.

Sakto naman dahil tinatapos na lang ni Kris ang shooting ng I Love You, Hater, na habol na habol sa showing nito sa July 11. Isa ito sa 20th anniversar­y presentati­on ng Star Cinema, sa direksiyon ni Giselle Andres.

 ??  ??
 ?? Kris ??
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines