Balita

4 na parak sibak sa pagte-text

- Ni MARY ANN SANTIAGO ALI VICOY

Sinibak sa puwesto ang apat na tauhan ng Eastern Police District (EPD) matapos mahuling gumagamit ng cell phone habang naka-duty.

Ayon kay EPD director, Chief Supt. Alfred Corpus, wala pa ring kadala- dala ang mga pulis sa kanyang nasasakupa­n matapos niyang unang sibakin ang anim na pulis- Pasig na nahuli namang natutulog sa duty at nag-abandona sa puwesto.

Ayon kay Senior Supt. Cresencian­o Landicho, force commander ng District Mobile Force Battalion ( DMFB) ng EPD, bago ang pagsibak ay nagsagawa ang DMFB Intel Operatives ng covert monitoring sa kanilang mga personnel, na naka- deploy para sa OPLAN Buhos, sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue ( EDSA) sa Mandaluyon­g City nitong Martes.

Naaktuhang nagsi-cell phone sina PO1 Dave Vacunawa at PO1 Antonio Mendoza habang nakaduty sa southbound ng Metro Rail Transit (MRT) sa Ortigas, Mandaluyon­g City.

Nahuli rin sina P01 Aquilino Batoy, Jr. II at P01 Arnel Eluterio na gumagamit ng cell phone at inabandona ang kanilang puwesto, dakong 6:36 ng gabi.

Bukod sa pagsibak, sasampahan din ng kasong administra­tibo na Less Serious Neglect of Duty, sa ilalim ng NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2016-002, ang apat na pulis.

Aniya, hindi niya kukunsinti­hin ang mga ito at tiyak na papatawan ng kaukulang disciplina­ry action sa oras na mahuling may nilabag sa anumang direktiba ng Philippine National Police.

 ??  ?? BAWAL ‘YAN! Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa nakaw na kotse, kinuha ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ang commemorat­ive plate number ng isang kotseng hinarang ng pulisya sa EDSA sa Pasay City, kahapon.
BAWAL ‘YAN! Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa nakaw na kotse, kinuha ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ang commemorat­ive plate number ng isang kotseng hinarang ng pulisya sa EDSA sa Pasay City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines