Balita

Smoke-free ordinance isusulong sa Central Visayas

-

BILANG

bahagi ng pagdiriwan­g ng “National No Smoking Month” ngayong Hunyo, nanawagan ang Department of Health ng Central Visayas (DoH-7) sa lahat ng lokal na pamahalaan ng rehiyon na ipatupad ang ‘smoke-free ordinance.’

Ayon kay Region 7 Health Informatio­n Officer Ligaya I. Moneva, kinakailan­gan nang ipatupad ang smoking ban sa lahat ng pampubliko­ng lugar sa rehiyon bilang tugon sa suhestiyon ng World Health Organizati­on (WHO).

“We encourage all the LGUs, the municipali­ties, and cities to have a smoke-free ordinance as compliance to the WHO Framework Convention on Tobacco Control which also states that no retail store within the 100-meter radius from any schools should be allowed to sell cigarettes,” paliwanag ni Moneva.

Layunin ng pagdiriwan­g ng “National No Smoking Month” na ipaalam sa publiko ang sakit na maaaring makuha sa paninigari­lyo at hikayatin ang mga naninigari­lyo na itigil ang paggamit nito, dagdag pa na 240 Pilipino o 10 tao bawat oras ang namamatay araw-araw dahil sa sigarilyo.

Ayon kay Moneva, kinakailan­gan na magkaroon ang bawat establisye­mento ng smoking area bilang pagsunod sa Executive Order 26 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 17, 2017.

Bagamat ipinatutup­ad na ang smoke-free ordinance sa Cebu City, sinabi ni Moneva na kailangan ang mahigpit na implementa­syon lalo’t marami pa rin ang nakikitang naninigari­lyo sa mga pampubliko­ng lugar at patuloy pa rin naibebenta ang sigarilyo sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan.

Sa kabila nito, masaya ang ahensiya sa malaking pagbaba ng bilang ng mga naninigari­lyo sa bansa, base sa Global Adult Tobacco Survey - Philippine­s.

Aniya, malaki ang naitulong ng EO 26 o Sin Tax Law at ang pagbabawal ng pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad sa pagbaba ng bilang ng mga naninigari­lyo.

Nagbabala rin si Moneva sa publiko hinggil sa panganib dulot ng paggamit ng electronic cigarettes at vapes na, aniya, 14 na beses na mas mataas ang smoke intensity kaysa sigarilyon­g gawa sa tobacco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines