Balita

Patricia Fox, mananatili pa sa PH

-

MANANATILI sa Pilipinas ang Australian nun na si Patricia Fox matapos ipawalang-saysay ng Department of Justice (DoJ) ang utos ng Bureau of Immigratio­n (BI) noong Abril na nagpapawal­angbisa sa kanyang missionary visa at sinabihang lisanin ang bansa sa loob ng 30 araw.

Samakatuwi­d,maipagpapa­tuloy ng 71-anyos na madre ang kanyang missionary work sa ‘Pinas. Nagalit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Fox dahil sa umano’y pagkondena sa human rights abuses ng administra­syon bukod pa sa bintang na siya’y sumasama sa mga protest rally laban sa gobyerno. Itinanggi ito ng madre.

Nang malaman ni Fox ang desisyon ng DoJ, ay labis siyang nasorpresa subalit masayangma­saya sa pagpapahin­tulot na maipagpatu­loy niya ang pagiging misyonero sa Pilipinas na labis niyang minamahal. Siya ay 27 taon nang naniniraha­n sa bansa.

Batay sa desisyon ng DoJ na ang puno ay si Secreatry Menardo Guevarra, ang pagkumpisk­a ng BI sa visa ng madre dahil umano sa paglabag sa terms at conditions na itinatakda rito ay walang basehang legal sapagkat walang anumang kapangyari­han ang BI na kumumpiska ng visa.

Pahayag ng DoJ: “The BI cannot simply create new procedures or new grounds to withdraw a visa already8 granted to a foreigner.” Mukhang mas matino raw ang DoJ ngayon kumpara noong panahon ni exSec. Vitaliano Aguirre II.

Kung si PRRD ang masusunod, nais niyang lumayas ang dambuhalan­g China sa West Philippine Sea-South China Sea sa mga reef at islaa na okupado nito, subalit ayaw niyang makipaggiy­era sa bansa ng kaibigang si Presidente Xi Jinping.

Ang ating Pangulo ay inaakusaha­n ng mga kritiko at kalaban na malambot at hindi kumikibo sa patuloy na pagangkin ng China sa WPS-SCS tungkol sa maritime rights ng ating bansa. Ayaw daw niya ng giyera laban sa China dahil dudurugin lang ng kanilang military ang AFP at PNP at imamamasak­er lang ang mga Pilipinong kawal at pulis.

Ngunit ayon naman sa mga kritiko at kalaban niya, hindi komo na magpoprote­sta ang Pilipinas sa China ay nais nating makipaggiy­era sa kanila. Kailangang kumibo tayo. Bakit noong panahon ng Kastila, lumaban ang mga Pilipino? Bakit noong panahon ng mga Kano, lumaban ang mga Pinoy? Matatapang ang ating mga kababayan, hindi duwag bagamat alam nilang wala tayong kalabanlab­an sa dragong China.

Subalit dapat nating ipaalam sa mundo na mali ang ginagawa ng China sa mga teritoryo na saklaw ng ‘Pinas.

 ??  ??
 ?? PAGTANAW AT PANANAW Bert de Guzman ??
PAGTANAW AT PANANAW Bert de Guzman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines