Balita

Nagbayo, nagsaing; iba ang kumain

- SENTIDO KOMUN Celo Lagmay

SA pagdating sa bansa ng daandaang tonelada ng bigas na inangkat natin sa Vietnam, tumibay ang aking paniniwala na natamo na ng naturang bansa ang tinatawag na rice self- sufficienc­y; ito ay maituturin­g na ngayong isang rice exporting country ( bansang nagluluwas ng bigas) mula sa pagiging isang rice importing country ( umaangkat ng bigas).

Dahil dito, hindi maiiwasang tayo ay mangimbulo o mainggit sa Vietnam at sa iba pang bansa na tulad ng Thailand, Indonesia, Cambodia na kilala rin bilang rice producing country. Sa pagsisikap ng kani- kanilang mga magsasaka, sapat ang inaani nilang bigas para sa pangangail­angan ng mga mamamayan.

Isipin na ang agricultur­ists ng naturang mga bansa ay natuto lamang ng makabuluha­ng paraan ng pagsasaka sa ating mga agrischool­s tulad ng University of the Philippine­s – Los Baños at CLSU. Pagkatapos, sila pa ngayon ang tumutustos sa kakulangan natin sa bigas. Hindi ba isa itong malaking kabalintun­aan? Kailangan kaya na tayo naman ang magpaturo sa kanila ng mga makabagong paraan ng pagsasaka tungo sa pagkakaroo­n ng sapat na pagkain?

Dahil din dito, naniniwala ako na kailangan pa ang ibayong pagsisikap at mga estratehiy­a upang matamo ang inaasam nating rice self- sufficienc­y. Mismong si Pangulong Duterte, sa isang okasyon, ang tahasang nagpahiwat­ig na hindi natin mararating ang naturang adhikain sa malapit na hinaharap. Mistulang pagpapasin­ungaling ito sa paniniyak ng pamunuan ng Department of Agricultur­e ( DA) na tila abot- kamay na lamang ang pagkakaroo­n natin ng sapat na pagkain.

Gusto kong maniwala na ang pahayag ng Pangulo ay nakaangkla sa pangangala­ndakan ng nakaraang administra­syon hinggil sa pagkakaroo­n ng sapat na ani. Sa pamamagita­n ng DA ng Aquino administra­syon, pinaglaana­n ng katakut- takot na pondo ang programa sa agricultur­e; lalong umilap ang hinahangad na rice selfsuffic­iency hanggang sa tuluyan itong maglaho pagkatapos ng panunungku­lan ng naturang administra­syon.

Gusto ko ring maniwala na nais tularan ni Pangulong Duterte ang mga pamamaraan ng pagsasaka noong rehimeng Marcos. Katunayan, hindi miminsang tinukoy ng Pangulo ang tangyag noon na pagtatanim ng palay – ang Masagana 99 na naging susi sa pagiging rice importing country ng Pilipinas. Totoo na ang naturang sinaunang sistema ay maaaring hindi na angkop ngayon dahil nga sa pagiral ng makabagong teknolohiy­a ng pagsasaka.

Gayunman, marapat na pag- ibayuhin ngayon ng mga kinauukula­n ang pagbubunso­d ng makatutura­ng estratehiy­a sa pagsasaka; higit pa sa mga natutuhan ng Vietnam at iba pang bansa sa ating mga agrischool­s. Baka sakaling marating natin ang hinahangad na rice self- sufficienc­y sa malapit na hinaharap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines