Balita

Alden may bagong serye na may bagong album pa

- Nitz Miralles

WALA pang reaction si Alden Richards sa pagpili sa kanya ni Kris Aquino over Joshua Garcia sa hypothetic­al question kay Kris sa presscon ng I Love You, Hater nitong Lunes. Hindi pa nai- interview si Alden dahil busy siya sa taping ng Victor Magtanggol, at kung nasa Eat Bulaga naman, pagkatapos ng show ay kaagad din siyang umaalis.

Bukod sa taping ng Victo Magtanggol, nagre-recording pa si Alden para sa third album niya sa GMA Records. Ilalabas na sa July 1, ang release ng latest at first single niya sa album na I Will Be Here. Maganda sana kung after ng single, ilang weeks lang ay ilabas na ang album niya.

Speaking of I Will Be Here, simula sa June 24 hanggang June 30 ay puwede na ang pre-order nito sa iTunes Kaya sa fans ni Alden na gustong mauuna at paulitulit na marinig ang single maghanda na kayo. Isa lang ang releaseng I Will Be

Here sa maraming pasabog ni Alden para sa kanyang fans. Malapit na rin siyang muling mapanood sa primetime, ginagawa nila ng GMA-7 ang lahat para mabigyan ang kanyang fans at ang Kapuso viewers ng isang magandang teleserye na pagbabalik-primetime rin niya sa Victor Magtanggol.

Kapag hindi nagte- taping, nagtetrain­ing naman si Alden na paghahanda pa rin sa mga action at fight scenes niya sa bago niyang teleserye ‘yun, lilipad muna sina Alden at Direk

Dominic Zapata, kasama ang iba pang cast ng member, para sa taping sa ibang bansa.

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines