Balita

Elizabeth at Azenith, nagkapataw­aran na

- Ni JIMI C. ESCALA

MARAMI ang nagulantan­g sa sumabog na isyung nakawan sa pagitan ng mga beteranang aktres na sina Elizabeth Oropesa at

Azenith Briones. Ilang araw na pinagpiyes­tahan sa showbiz ang pagkawala ng isang mamahaling alahas, na ipinagkati­wala ng una sa huli.

Ipinabeben­ta ni Elizabeth kay Azenith ang nasabing alahas, pero binawi at basta kinuha na lang daw ito ni Elizabeth nang walang paalam sa bag na pinaglagya­n ni Azenith. Dahil dito, nauwi sa away ang insidente, at nagpalitan na ng kung anu-anong hindi magagandan­g salita ang dalawa, huh!

Pero the other day ay napakingga­n namin sa programa sa radyo ng mga katoto at kilalang entertainm­ent writers na sina

Gorgy Rula at Morly Alinio ang pag-aayos nina Elizabeth at Azenith.

Walang naganap aganap na pagkikita ng dalawa at parehong nasa phone patch lang ang nagbabanga­yang abangayang aktres. Kahit parehong arehong nasa telepono lang ay nauwi ‘ yun sa paghingi ngi ng tawad ni Elizabeth th kay Azenith.

Kumbaga, ga, diretsahan­g inamin min ni Oropesa ang pagkakasal­a, at kaagad din namang nagpatawad si Azenith, na ngayon ay isa nang negosyante.

Tiyak namang matitigil na ang bangayan ng dalawa, dahil mismong sa ere na humingi ng tawad si Elizabeth kay Azenith. Inamin pa ni La Oro na hindi naman talaga tama ang basta na lang kukunin niya sa bag ni Azenith ang alahas nang wala mang pasabi.

“I really made a mistake. Inamin ko naman ‘yun. Nag-sorry ako sa phone. I never had any problems with regards to apologizin­g because I really made a mistake pagdating sa part na ‘yun,” sabi ni Elizabeth.

“Dapat talagang hinarap ko na lang siya at kinausap nang hindi ko na kinukuha ‘yung alahas ko. Eh, talaga namang napikon lang ako doon, talagang mali ako,”aniya pa.

Dagdag D pa rin ng aktres, hindi na niya paaabutin paaab pa sa demandahan ang lahat. Sinabi Sin rin naman ni Azenith na wala na sa kanya ang nangyari.

“Sa akin naman, eh, tama na nagusap na kami. Sa akin, wala na ‘ yun. Kung ang Panginoong Diyos nga nagpapataw­ad, ako pa kaya?”sabi ni Azenith.

 ??  ?? Elizabeth
Elizabeth
 ??  ?? Azenith
Azenith

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines