Balita

Jillian at Miggs, unang tween winners sa ‘Lip Sync Battle’

- Ni LITO MAÑAGO

ANG tween stars na sina Jillian Ward at

Miggs Cuaderno ang nanalo sa Lip Sync Battle Philippine­s nitong Linggo ng gabi. Sila ang kauna-unahang tween stars na nakapag-uwi ng LSB championsh­ip belt ng show.

Nakatapat nila sa pagli-lip sync ang dalawa pang Kapuso tween stars na sina Will

Ashley at Sofia Pablo. “Grabe po, sobrang saya namin. Sobrang na- shock po talaga kami,”sinabi ni Miggs sa post- interview sa kanila.

Lahad naman ng nagdadalag­ang si Jillian, “Talagang worth it po ‘yung pananakit ng buong katawan ko kagabi.”

Hirit naman ng Best Actor awardee ng Chéries Chéris Internatio­nal Film Festival sa France: “Pati ‘ yung likod, sumakit, makuha lang ito.”

Patuloy ni Miggs, “Nu’ng nakita namin ‘yung performanc­e nina Will at Sofia, na-shock po ako kasi hindi ko ine-expect na andu’n sila sa mga disco ball sa may parang ceiling ba ‘yun? Du’n sa taas. Du’n sila nanggaling. Saka ‘yung part na rocky, hindi ko ine-expect na ‘yun ‘yung gagawin nila. Nakatutuwa rin po ‘yung performanc­e nila.”

“Magaling din po sila pero, siguro kami ‘yung naanuhan nu’ng tao, nu’ng audience. Kudos pa rin sa kanila kasi magaling din sila at good sports din sila,” sambit naman ng dating nagbida bilang Trudis Liit.

Nagpasalam­at ang dalawang tween stars sa suporta ng kanilang mga tagahanga.

“‘Yung mga sumuporta sa amin galing pa ng mga province kaya talagang full support sila,” ani Jillian.

“Sa LSB, magagawa ninyo ‘yung mga bagay na hindi ninyo nagagawa. Sobrang saya po,” paliwanag ni Miggs.

Ang Lip Sync Battle Philippine­s ay hosted nina Michael V. at Iya Villania- Arellano. Napapanood ito on a Sunday timeslot, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA Network.

 ??  ?? Miggs at Jillian
Miggs at Jillian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines