Balita

Colombian pop star nanakawan ng $ 785,000 sa World Cup

-

NANAKAWAN ang Colombian pop singer na si Maluma ng luxury items na nagkakahal­aga ng mahigit 50 million roubles ($785,000) sa kanyang hotel room malapit sa Red Square sa Moscow, iniulat ng Russian media nitong Martes.

Tinangay ng kawatan ang mahahalaga­ng gamit ng singer, kabilang ang isang Louis Vuitton bag, 11 luxury watch, iba’t ibang item ng Cartier jewelry, at 10 glasses na puno ng diamonds at pearls, pahayag ng dalawang police source sa news portal RBC.

Nasa Russia kasi si Maluma, isa sa pinakamala­laking pangalan sa Latin music, para manood ng soccer World Cup.

Isiniwalat naman ng Moscow police ang lumalabas na suspek sa imbestigas­yon nitong Martes, at kapwa sinabi ng RBC at Interfax na ang suspek ay tumitigil sa Four Seasons Hotel malapit sa Kremlin. Hindi nagbigay ng detalye ang tagapagsal­ita ng hotel tungkol sa insidente ngunit kinumpirma sa Reuters na patuloy ang imbestigas­yon. “We treat the question of security for our guests and their belongings very seriously and immediatel­y informed the police,” aniya sa email.

Nito lamang after midday Moscow time, nagpost si Maluma sa social media na papunta siya sa lungsod ng Saransk, kung saan kakalabani­n ng Colombia ang koponan ng Japan, kasama ang litrato ng kanyang sarili suot ang Colombian soccer jersey sa harap ng eroplano.

“En route to SARANSK. Today we finally accompany our team COLOMBIA!!” post ni Maluma, na mula sa siyudad ng Medellin, sa social media. Natalo ang Colombia sa Japan sa score na 1-2.

 ?? Maluma ??
Maluma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines