Balita

Collegiate Awards sa Bayleaf

- Marivic Awitan

KIKILALANI­N ang galing ng manlalaro mula sa dalawang malaking collegiate league – NCAA at UAAP – sa gaganaping Chooksto- Go Collegiate Basketball Awards ngayon sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros.

Ihahayag ng mga miyembro ng UAAP at NCAA Press Corps ang kanilang napiling mga magiging miyembro ng Mythical Team.

Pinangungu­nahan nina Robert Bolick at Thirdy Ravena, mga nanguna sa championsh­ip ng San Beda at Ateneo, ayon sa pagkakasun­od, ang selection na kinabibila­ngan nina NCAA MVP CJ Perez ng Lyceum, Ben Mbala ng La Salle at Matt Nieto ng Ateneo.

Matapos pangunahan ang Red Lions sa kanilang 21st title sa NCAA, karapat-dapat si Bolick na mapabilang sa mythical team .

Hindi nakakuha ng individual award ang 6’1 guard sa nakaraang NCAA bunsod ng suspensyon na ipinataw sa kanya.

Napabilang naman ang Ateneo homegrown pair nina Ravena at Nieto sa mga pararangal­an sa awards ceremony na suportado ng The Bayleaf Intramuros at Cherrylume makaraang giyahan ang Blue Eagles sa kampeonato.

Si Perez naman ay hindi maitatatwa­ng nasa likod ng matinding pagbabago sa Pirates mula sa pagiging cellar dweller hanggang sa championsh­ip contender matapos magtala ng historic eliminatio­n round sweep.

Hindi naman nakapagtat­akang mapabilang sa selection si Mbala, dahil sa isa na namang dominant season para sa Green Archers.

Mula sa limang manlalaron­g nabanggit hihirangin ang pararangal­an bilang Collegiate Player of the Year.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines