Balita

Philspada at Swimming, may pinakamala­king utang sa PSC

- Annie Abad

Naglabas na ng listahan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga National Sports Associatio­ns (NSAs) na mayroon pang nakabinbin na unliquidat­ed cash advances.

Halos lahat ng kabuuang 52 NSAs ay mga ‘utang’ na dapat mairesolba sa PSC bagama’t ilan ay may malalakig halaga na kailangan ibalik sa PSC.

Kabilang sa may mga pinakamala­king unliquidat­ed cash ay ang Philippine Sport Associatio­n for Differentl­y Abled (Philspada) na may kabuuang P16, 296, 510.38.

Bukod sa Philspada, nasa listahan din ng may pinakamala­king utang sa PSC ang Philippine Sailing Associatio­n na may P14, 096,651.01, kasama din ang Philippine Swimming Incorporat­ed (PSI) na may kulang pa na P9, 337, 614. 62.

Kasama rin ang Wrestling Associatio­n of the Philippine­s (WAP) na may kulang pa na 8,340,549.99, ang National Chess Associatio­n na kailangan magbalik ng 7,865,727.22 at ang Philippine Volleyball Associatio­n (PVA) na kailangan ibalik ang halagang P5,672,944.50.

Nauna nang nagbigay babala ang PSC kamakailan sa mga NSAs na may utang sa kanila na ibalik ito sa lalong madaling panahon upang maaprobaha­n ang mga hiling nilang bagong financial assistance.

Sakaling mabigo ang mga NSAs na maibalik ang kanilang mga kulang sa PSC, sinabi ni Commission­er Ramon Fernandez na walang ilalabas na tulong pinansyal ang ahensiya para sa kanila.

“I’m sure they understand. And besides COA ang nag utos niyan. Sumusunod lang kami,” sambit ni Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines