Balita

T’boli tribe, nanguna sa PSC Indigenous Peoples Games

- Annie Abad

HUMAKOT ng apat na gintong medalya ang Munisipali­dad ng T’boli buhat sa katatapos lamang na 2nd Indigenous People’s Games (IPG) na ginanap sa Lake Sebu, South Cotabato.

Pinagharia­n ng T’boli ang mga larong meyon kuda law event, ito ay hango sa karera ng mga kabayo, ngunit gamit ang mga talahib bilang kabayo.

Tinalo ng T’boli ang Tampakan at ang tribu ng Lake Sebu-T’boli na nakakuha ng silver at bronze, ayon sa pagkakasun­od.

Nagmula naman ang iba pang ginto ng nasabing munisipali­dad buhat sa sudul isang laro kung saan pinataob nila ang tribu ng Lake Sebu-T’boli at Tubi, kumuha din sila ng ginto buhat sa laring sedegol be klifak bliboy kung saan tinalo nila ang Lake Sebu-T’boli Tribe at Lake Sebu Ubo Tribe.

Nakakuha rin ng ginto sa youth hemanak o archery kung saan binigo nila ang Lake Sebu-T’boli at Municipali­ty of Lake Sebu.

Muli namang pinasalama­tan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Raymond A. Maxey ang Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Lake Sebu sa pangunguna ni Mayor Antonio B. Fungan para sa hosting ng nasabing ikalawang leg ng IPG na naglalayon­g maibalik ang at maipakilal­a muli ang ang kultura at tradisyon ng mga katutubong laro.

Ito ay bilang pagtupad na rin sa Republic cAct (RA) 8371, na kilala din bilang IP Right Act of 1997, na naglalayon­g nagbigay ng pantay na karapatan para sa lahat na iniutos ni President Rodrigo Duterte sa PSC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines