Balita

Joshua, may promise kay Julia

- Ni REGEE BONOAN Julia at Joshua

“BABA(term of endearment), I’m sorry I made a mistake and I promise to be a better man. For me, for us,” ito ang sinabi ni Joshua Garcia kay Julia Barretto nang tanungin ngin siya ni Kris Aquino kung ano ang maipapanga­ko niya sa a dalaga.

Naging instant host si Kris sa ginanap na grand presscon ng I Love You, Hater nang pilit niyang pinaamin ang JoshLia kung opisyal na silang magkarelas­yon, pero ang aktor muna ang tinanong anong niya kung mahal niya ang aktres.

“Yes,” ang walang kagatul-gatol sa sagot ot ni Joshua.

Diretsong tinanong ni Kris si Joshua kung ng girlfriend na ba niya si Julia at “hindi ko pa masabi, Tita,” lamang ang sagot ng aktor.

Balik-tanong ng Queen of Online World ld and Social Media, “bakit hindi?”

Ang natawang sagot ni Joshua, “sa tamang ng panahon!”

Kaya dito na tinanong ni Kris kung ano ang maipapanga­ko niya kay Julia, kung g saan nag-promise siyang magiging “better man” para sa dalaga.

Samantala, tinanong din si Joshua kung mayroon ayroon ba siyang naging hate pero minahal pa rin niya.

“Sarili ko. ‘Yung sarili ko recently, may mga nagawa akong desisyon na mali. Pero siyempre, sarili mo pa rin ‘yung kailangan mong mahalin. Tinuruan din ako ni Baba na mahalin ang sarili ko,” pahayag ng aktor. Ang tinutukoy tinu ni Joshua ay nang magkaroon sila ng hindi pagkakauna­waan ni Julia dahil sa naging private conversati­on nila ng isa sa Instagram follower niya na kumalat sa social media. Ilang buwan din ang tinagal bago naayos ang gusto sa pagitan ng dalawa. Paliwanag nga ni Julia, “siyempre there are some decision about the person you love made (mistake) but at the end of the day, nangunguna talaga ‘yung love mo for the person. So, you may hate what you’re doing but it can never overcome the love that you have for the the person.” Hirit ni MJ Felipe kay Julia kung sino ang huling huling nagsabi ng I love you sa kanila ni Josh, at “siya!” tugon ng aktres. Samantala, nagtataka ang lahat ng dumalo sa I Love You, Hater presscon kung bakit hindi pa maamin nina Joshua at Julia ang kanilang relasyon gayung aminado naman silang mahal isa’t isa. Ano ang ibig sabihin ni Joshua na, “sa tamang panahon”? At kailan ito? May kontrata ba silang pinirmahan na bawal aminin ang kanilang relasyon? Pero sabi nga, what you see is what you get Anyway, mapapanood na ang I Love You, Hater sa Hulyo 11 mula sa direksyon ni Giselle Andres at produced ng Star Cinema.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines