Balita

Babala sa BI, PNP: Tantaran ang tourists

- Ni GENALYN D. KABILING

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng Bureau of Immigratio­n (BI) at Philippine National Police (PNP) na tantanan ang mga turista sa gitna ng mga reklamo ng pangingiki­l sa ilang dayuhan.

“I’m ordering now that kayong mga Immigratio­n and police should not approach any of the tourists on the guise of question about their stay or valid papers,” sinabi ng Pangulo, sa pagbubukas ng Vista Mall sa Iloilo City nitong Miyerkules ng gabi.

Ikinalungk­ot ni Duterte na maraming Korean at Chi- nese ang palaging inaabala ng immigratio­n at pulisya. “Stop it, ayoko ng ganun,” diin niya.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga benepisyar­yo ng land reform sa Iloilo City, binalaan ni Duterte ang mga tauhan ng BI na itigil ang pangingiki­l sa mga banyaga o papatayin o ipatatapon niya ang mga ito sa Jolo.

Sinabihan ng Pangulo ang BI na ‘wag buwisitin ang mga turista matapos makatangga­p ng mga reklamo kaugnay sa umano’y extortion sa ilang mga bisita. Aniya, tanging si BI chief Jaime Morente ang awtorisado­ng magbigay ng kautusan sa bureau personnel.

“There’s a lot of stupid things going on. Do not do that because isang mali lang, hihiritan kita. Either patayin kita or sampulan kita or itapon kita sa Jolo,” sabi ng Pangulo.

Nauna na ring ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ilang turistang Chinese ang nagreklamo sa pangingiki­l ng ilang tauhan ng Bureau of Customs personnel. Ipinaabot ni Puyat ang reklamo kay Customs chief Isidro Lapeña, na nangakong aaksiyunan ang problema.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines