Balita

Ban sa tricycle service, pag-usapan muna

- Chito Chavez

Nag-aalinlanga­n si Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte sa panukalang ipagbawal ang paggamit ng for-hire tricycles bilang school shuttles.

Kumpara sa school bus services, ipinunto ni Belmonte na mas mura ang pamasahe sa tricycle, kayat mas praktikal itong gamitin bukod sa kumikita pa ng ekstra ang mga tricycle driver sa paghahatid-sundo sa mga estudyante.

“I understand that LTFRB wants to ban tricycle school service, pero hindi ‘yan ang isyu. Ang isyu ay ‘yung overloadin­g at colorum,” ani Belmonte.

Naglabas ng kanyang sentimiyen­to si Belmonte matapos ipahayag ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na nais nitong ipagbawal ang mga tricycle bilang school shuttle services.

Iginiit ni Belmonte na ang kapangyari­han sa tricycle units ay nasa ilalim ng local government units (LGUs), at ang sasakyan na may tatlong gulong ay madaling makadaan sa makikipot na kalye at eskinita.

Dumulog na sa city government ang mga miyembro ng local tricycle drivers and operators associatio­ns (TODAs) na apektado ng kampanya ng LTFRB.

“I think what we should do here is to just intensify the enforcemen­t of rules against overloadin­g, colorum, and out-ofline tricycles,’’ ani Belmonte.

Sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada na hindi pinapahint­ulutan ang mga tricycle na pumasada sa national roads at highways dahil sa isyu sa kaligtasan.

Sinabi ni Lizada na hihilingin ng regulatory agency ang ban sa paggamit ng tricycles bilang school shuttles at pormal itong ipanunukal­a sa Metro Manila Council ngayong araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines