Balita

Kung ako si Aj Martires

BULONG AT SIGAW

- Ric Valmonte

NANATILING 8- 6 ang botong nagbasura sa motion for reconsider­ation ni dating Chief Justice Lourdes Sereno na naglalayon­g baligtarin ang naunang 8-6 desisyon ng Korte Suprema na nagpapatal­sik sa kanya sa pamamagita­n ng quo warranto. Iginawad nito lang Miyerkules ng Korte ang pagkakait sa nasabing motion for reconsider­ation. Dito na magsisimul­a ang pagbilang sa 90 araw para humirang ang Pangulo ng kapalit ni Sereno.

“Tatanggiha­n ko ang lahat ng nominasyon para pumalit kay Sereno,” wika ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na pansamanta­lang punong mahistrado at pinakaseni­or sa mga kasalukuya­ng mahistrado. Dahil dito, hindi masasama ang kanyang pangalan sa short list na isusumite ng Judicial Bar Counsel (JBC) sa Pangulo. Iniuutos ng Saligang Batas na ang JBC ang maingat at kritikal na mag-aaral ng mga kandidato sa posisyon at isusumite sa maikling listahan ang mga pangalan ng mga nasa akala nito ay karapat-dapat sa Pangulo. “Dahil bumoto ako laban sa pagpapatal­sik, ayaw kong makinabang dito. Kailangang panindigan ko ang aking posisyon na ang quo warranto ay hindi wastong paraan para alisin ang nakaupong miyembro ng Korte,” paliwanag ni Carpio.

Kabaglitar­an naman si Associate Justice Samuel Martires. Sa oral argument noong April 10, nang dininig ng Korte ang quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno, inakusahan siya ni Sereno na kinuwestiy­on niya ang kanyang mental health. Ang batayan ni Martires ay ang matibay na pananampal­ataya ni Sereno sa kanyang relihiyon. Ginawang dahilan ito ni Sereno para ipadisqual­ify siya, pero tinanggiha­n niya ang kahilingan nito. Isa siya sa walong bumoto sa naunang desisyon, na nagpapatal­sik kay Sereno at sa pagbasura sa motion for reconsider­ation nito.

Nabuhay ang isyung umano ay faith shaming ni Martires kay Sereno nang ungkatin ito ni Atty. Maria Milagros Fernan- Cayosa, ang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippine­s sa JBC. Isa si Martires na nominado sa JBC na papalit sa magreretir­ong si Conchita Morales bilang Ombudsman.

“Ang linya ng pagtatanon­g ko laban kay Sereno, wika ni Matirez, ay para ipagtanggo­l siya,” aniya, “hindi ko siya hiniya sa kanyang pananampal­ataya at hindi sa buong buhay ko na ito ay ginawa ko. “Humihingi ako ng paumanhin sa kanya. Hindi ko intension na pahiyain siya,” dagdag pa niya.

Kung ako si Martires, hindi ako magpapahir­ang sa Pangulo sa kahit anong posisyon para maipakita ko na ang ang pagboto ko para mapatalsik si Sereno ay matibay kong paninindig­an at paniniwala. Pero, dahil gusto niyang maging Ombudsman, mabigat ang epekto nito sa kinatigan niyang interpreta­syon ng Saligang Batas na pwede ring patalsikin ang mga impeachabl­e officials gaya ni Sereno sa pamamagita­n ng quo warranto. Umaasa kasi ng kapalit.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines