Balita

Marian na-miss ang pag-iyak

- Nora V. Calderon

ONE

season lang dapat ang weekly drama anthology na Tadhana, na dedicated sa mga overseas Filipino worker (OFW), at ang kanilang mga paghihirap at tagumpay sa iba’t ibang bansa sa mundo, malayo sa kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang host nito.

“Pero, nagustuhan po ng mga sumusubayb­ay sa amin, lalo na ang mga pamilyang may mga kaanak silang nasa ibang bansa, kaya po naging second season, third season, fourth season, at ngayon po ay naka-one year na kami, salamat sa inyong lahat,” sabi ni Marian sa media conference. “Kaya po pumayag ako sa request ng mga televiewer­s na gampanan ko naman ang special anniversar­y presentati­on natin.

“Actually po, para sa aming dalawa ni Dong ( Dingdong Dantes) ang offer nila, nang sabihin ko sa kanya, sabi niya, ‘ganito na lang, ikaw ang artista ako na lamang ang magdidirek sa iyo.’ Siyempre ay natuwa ako dahil iyon naman ang gusto ko. Sabi ko sa GMA, gusto ko na si Dong ang magdirek, first directoria­l job niya ako. Kaya po itong special episode na ito ay handog namin sa inyong lahat, sa mga OFWs, sa inyo rin sa press, bilang pasasalama­t namin sa inyo.

“Hindi po lamang namin puwedeng sabihin kung sino ang ipinu-portray ko rito, secret po ang identity nila. Pero ako rito si Jackie, isang inang iniwan ang mga anak niya at may sakit na asawa para magtrabaho sa Bahrain at nasa isip ay ang mabago ang buhay ng kanyang pamilya. Pero hindi niya akalain na daranas siya ng malaking hirap doon, sa dalawang taon ng paghihirap niya doon, physical abuse, hindi siya hinayaang makalabas ng bahay, walang cell phone para makausap man lamang ang pamilya, at ang panloloko ng pinagkatiw­alaan niyang magpadala ng pera niya sa Pilipinas.

“Siguro na-miss ko ang pag-iyak sa mga teleserye, dito dalawang eksena lang yata na hindi ako umiyak,” kuwento pa ni Marian. “Sana po ay magustuhan ninyo ang story na aming napili.”

Nakasama ni Marian sa anniversar­y episode sina Jackielou Blanco, Emilio Garcia at Lotlot

de Leon. Huwag i-miss ang special participat­ion ni Direk Dingdong, at mapapanood sa Sabado, June 23, pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

 ??  ?? Marian
Marian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines