Balita

POPCOM vs overpopula­tion

-

INIHAYAG ng Commission on Population ( POPCOM) nitong Miyerkules na mamimigay ito ng mga family planning supply at service sa maliliit na kumpanya sa mga lalawigan, na wala pang 200 ang empleyado.

“We can work with the provincial government and the regional Department of Health ( DoH) offices to provide commoditie­s if they need it and also technical support,” sabi ni Dr. Juan Antonio A. Perez

III , POPCOM executive director, nang makapanaya­m sa ‘family planning in the workplace forum’ sa Makati City, nitong Miyerkules.

Aniya, hihingi rin sila ng tulong sa local government units (LGUs), sa pamamagita­n ng rural health units, dahil kadalasan ay walang mga doktor, nurse at health worker ang maliliit na kumpanya na puwedeng makapagbig­ay sa mga empleyado ng kinakailan­gang impormasyo­n tungkol sa mga family planning commodity at service.

Sabi pa ni Perez, kailangan itong maipabatid sa publiko dahil kinakailan­gang mapigilan ang hindi inaasahang pagdami ng populasyon, kabilang ang mga taong nagtatraba­ho sa mga formal at informal sector sa bansa.

Tatalakayi­n ng POPCOM ang mga alituntuni­n sa regional implementa­tion team para sa implementa­syon ng programa, na layuning suportahan ang probisyon sa pagkakaroo­n ng access sa Responsibl­e Parenthood and Reproducti­ve Health services ng malalaking kumpanya na mayroong 200 manggagawa.

Isinusulon­g at hinihikaya­t sa programa, na tinawag na Business Action for Family Planning Access, ang mga pribadong sektor na maging katuwang din sa family planning program sa trabaho at komunidad. Gayundin, ang hakbang na ito ay naging posible sa tulong ng Employers Confederat­ion of the Philippine­s, Department of Labor and Employment (DoLE), POPCOM at ng United Nations Population Fund for Population Activities (UNPFA) noong 2014.

“Let me urge the private sector companies gathered here... to join us in this very timely and meaningful initiative of giving women and girls, as well as men and boys, the opportunit­y to make their lives better through family planning and reproducti­ve health,” pahayag ni UNFPA Country Representa­tive Klaus Beck.

Layunin nitong maipaunawa sa mga manggagawa ang tungkol sa family planning at mabawasan ang pagliban ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho, na mahalaga rin sa kumpanyang pinagtatra­bahuhan ng mga ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines