Balita

Ika-44 labas

- R.V. VILLANUEVA

HUMINGI ng tulong sina Tandang Goting at Egle kay Sendoy sa pagkuha ng mga kailangan na sangkap sa gagawing pamparegla.

“Mapapangha­wakan kaya namin ni Goring ang pangako mo, bihug Sendoy?” Tanong ni Tandang Egle sa katutubong Kabihug. “Kailangan-kailangan ko ang bagin, kahoy at damo bukas!”

“Tama si Egle, bihug Sendoy,” wika ni Tandang Goring. “Kailangang-kailangan namin ang gamot na gagawin niya mula sa bagin, kahoy at damong kukunin mo!”

“Maniwala kayo sa akin, kukuha ako ng mga sangkap sa gamot na pamparegla at dadalhin ko bukas na tanghali,” sagot ni Sendoy. “Hindi ako sisira sa usapan natin katulad ng mga kasama kong Kabihug!”

“Sana, huwag kang magpodil, bihug,” wika ni Tandang Egle. “Kapag nagpodil ka, hindi ka na namin bibilhan ng kalakal at hindi ka na namin pagbibilha­n ng alak na barikolkol!”

“Saka, kapag piyesta, hindi na kita pakakainin dito sa bahay,” babala ni Tandang Goring. “Mababawasa­n ka ng kaibigang taga-patag dito sa barangay Bayan-bayan!”

“Hindi ako magpopodil mga bihug,” sagot ni Sendoy. “Bukas, bago magtanghal­ian, dadalhin ko dito ang bagin, kahoy at damong sangkap sa gamot na pamparegla!”

Nangangahu­lugan ang katagang “podil” sa wikang Manedi ng katutubong Kabihug ng pagsisinun­galing, kaugalian at kasanayang ikinapit sa kanila sa simula’t-simula ng panahon. Kaugalian at kasanayang napatunaya­ng tutuo ng mga taong nakasalamu­ha nila sa buhay. Ngunit dahil paulit-ulit na nangako si Sendoy na tutupad sa usapan, pinagbigya­n siya ng magkababat­a. Matapos ang ilan pang palitan ng pangungusa­p, tuwangtuwa­ng lumisan ang katutubong bitbit ang dalawang boteng long neck na may lamang alak na barikolkol. Kapuwa napahabol nang tingin sila Tandang Egle at Tandang Goring sa katutubong mabilis naglakad palayo sa sentro ng barangay para magbalik sa botokang nasa liblib na bahagi ng barangay. Botokan ang tawag sa bahay ng mga katutubong Kabihug na gawa sa kawayan, kahoy at may bubungang dahon ng anahaw.

“Tumupad kaya si Sendoy sa usapan?” Tanong ni Tandang Egle habang patuloy na inihahatid ng tanaw ang papalayong katutubo.

“Ewan ko, hindi ko alam,” sagot ni Tandang Goring na tulad ng matalik na kaibigan ay nakatanaw rin sa katutubo. “Pasensya ka na, ngunit talagang hindi maalis sa aking isip ang dudang baka hindi siya tumupad sa usapan!”

“Ako rin Goring, “wika ni Tandang Egle. “Ngunit wala tayong magagawa kung hindi umasang kukuha siya ng mga sangkap sa gamot kong gagawin laban sa anak ng bonggo kay Klaret!”

“Tama ka, Egle,” sagot ni Tandang Goring. “Dahil hindi alam ng

mga pangkarani­wang tao ang mga sangkap, kaya siya lang ang aasahan

natin para magawa ko ang gamot na kailangan natin!”

“Baka naman tumupad si Sendoy sa usapan,” wika ni Tandang

Egle. “Tiyak, nag-aalala rin siyang mabawasan ang mga kaibigan niya dito sa barangay Bayan-bayan!”

“Sana nga,” sagot ni Tandang Goring. “Dahil kailangang magawa mo sa lalong madaling panahon ang gamot, baka kapag lumaki pa ang sanggol sa tiyan ni Klaret, humigpit ang kapit!”

“Totoo ang sinabi mo, Goring,” wika ni Tandang Egle. “Anak ng nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an ang sanggol na ‘yun!”

At tulad ng dati nag-istambay si Tandang Egle sa tindahan ng kababata sa sentro ng barangay Bayan-bayan, tumagay sila ng alak na barikolkol. Ginagawa nilang libangan ito para palipasin ang oras habang nag-uusap ng iba’t ibang paksa kabilang ang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­ang pinaniniwa­laan nilang gumagala sa Bayan-bayan at kalapit na mga barangay pagsapit ng dilim. Hindi rin nakaligtas sa paksang pinag-usapan ng dalawa ang sanggol sa sinapupuna­n ng anak ni Mang Dalmacio at Aling Bening na si Erlinda. Sanggol na natitiyak nila na anak ng bonggo na nakatira sa bung-aw malapit sa bahay ng pamilya. Sanggol na natitiyak ng matalik na magkaibiga­n na magiging salot at halimaw pagdating ng panahon na maghahatid ng takot, sindak at lagim sa Bayan-bayan at kalapit na mga barangay!

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines