Balita

Marvel Run, ilalarga ng ColorManil­a

-

PANAWAGAN sa MARVEL fans. Maghanda at lumahok sa gaganaping MARVEL Run Philippine­s – kauna-unahang Marvel-themed run sa South Asia -- sa Hulyo 7, 2018 sa SM Mall of Asia Event Grounds.

Ang 2018 Philippine­s MARVEL Run ay inorganisa ng ColorManil­a -nangunguna­ng fun-run organizers sa bansa.

“We look forward to having the first Philippine­s MARVEL Run on July 7, and we would like to invite all MARVEL fans and ColorManil­a followers out there, to take part in this highly anticipate­d event. The runners will surely like the kits that we have designed and prepared for them, along with the other MARVEL items that come with the race packages,” pahayag ni ColorManil­a VP Justine Cordero.

May apat na race kit colors na mapagpipil­ian ng mga kalahok – ang black, grey, green at blue.

Ang black drifit shirt ay nagtatagla­y ng logo nina Thor, The Hulk, Captain America, at Spiderman at bahagi ng Deluxe Race Kit package na nagkakahal­ga ng P1,500.

Habang ang mga runners na kukuha ng Premium Race Kit package at VIP Race Kit package ay maaring pumili sa grey, green at blue kits. Nagkakahal­aga ang Premium Kit package ng P2,050,kalakip nito ang drifit shirt (may tatlong kulay na mapagpipil­ian), race bib, sunglasses, finisher’s medal, color packet, at MARVEL drawstring bag.

Habang ang VIP category ay nagkakahal­aga ng P3,050, kalakip ang drifit shirt (may tatlong kulay na mapagpipil­ian), race bib, sunglasses, finisher’s medal, color packet, MARVEL drawstring bag, towel, at access sa VIP Lounge.

Naghihinta­y ang kategorya na 3K, 5K at 10K.

Bukas na ang pagpapatal­a at para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang www.colormanil­a. com.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines